Gary Valenciano naospital dahil sa sakit na dengue
INI-REVEAL ng singer na si Gary Valenciano nitong Huwebes, Oktubre 7, na naospital siya dahil sa sakit na dengue.
Ayon sa kaniya, tatlong araw siyang namalagi sa hospital dahil sa naturang sakit.
“I just wanted to share the goodness of the Lord with all of you. I’ve been here in the hospital since Mon PM due to dengue fever. But He took care of me yet again and now I’m headed home. The Lord has left me speechless once again. I Love you Jesus! #undesevring #unmerited #favoroftheLord #Godissogood,” saad nito sa kaniyang Instagram account.
View this post on Instagram
Marami naman sa mga kaibigan nito sa industriya ang nagpakita ng concern at nagpaabot ng dasal para kay Mr. Pure Energy.
“Prayers for you Tito Gary,” saad ni Iza Calzado.
“So happy to hear that you are feeling better now tito!!!” sey ni Moira dela Torre.
“Thank you Lord God for healing Gary,” sabi naman ni Princess Punzalan.
Nitong Pebrero lang nang ibinahagi ng singer na “dangerously high” ang kaniyang sugar level na ikinabahala ng kaniyang supporters.
“Although I’ve taken the right steps to bring it back to normal, it’s not easy having it this high,” saad niya sa Twitter.
Mabuti na lang ay bumalik rin sa normal ang sugar level niya kinabukasan.
Matatandaan ring matagal nakipaglaban sa sakit na Type 1 Juvenile Diabetes ang singer.
Noong 2005 nga nang ma-comatose matapos magkaroon ng hypoglycemic attack sa kasagsagan ng kaniyang show.
Dumaan na rin ito sa ope-heart surgery noong 2018 matapos ang napakaraming tests kung saan nakitang blocked ang kaniyang left anterior descending artery dahil sa diabetes.
Nagkaroon rin ito ng surgery matapos mapag-alamang nagkaroon ng cancer ang kaniyang right kidney.
Idineklara naman siyang cancer-free noong July 2019.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.