Mark umaming 'love' pa rin si Claudine, bet uling manligaw: Hindi pa naman huli ang lahat... Bandera

Mark umaming ‘love’ pa rin si Claudine, bet uling manligaw: Hindi pa naman huli ang lahat…

Ervin Santiago |January 12,2022
share this

Mark umaming ‘love’ pa rin si Claudine, bet uling manligaw: Hindi pa naman huli ang lahat…

Ervin Santiago January 12, 2022 - 01:54 PM

Mark Anthony Fernandez at Claudine Barretto

“YES! I still love Claudine (Barretto)…” ang diretsahang pag-amin ni Mark Anthony Fernandez nang tanungin kung may nararamdaman pa ba siya sa kanyang ex-girlfriend.

Pagkalipas ng 27 years, muling magsasama sa pelikula ang ex-celebrity couple kaya naman excited na ang kanilang fans na mapanood sila uli together.

Kung matatandaan, huling nagtambal sina Claudine at Mark sa pelikulang “Mangarap Ka” na ipinalabas noong 1995. Kaya naman nang i-offer sa kanila ang drama-mystery film na “Deception” agad nila itong tinanggap.

“No second thoughts. Tinanggap ko talaga agad. Matagal ko na kasing gustong makatrabaho si Mark at alam naman niya yun kaya nang dumating yung offer, nag-go agad ako,” sabi ni Claudine sa naganap na digital mediacon ng movie kagabi.

Wala naman daw nangyaring ilangan sa kanila ni Mark habang ginagawa ang pelikula, sa katunayan nakatulong pa nga raw ang past relationship nila para magampanan ng maayos at makatotohanan ang kanilang mga karakter.

“Walang ilangan. Nag-uusap kami kung anong gusto naming gawin sa scene and happy ako. Kasi, ano pa bang pwedeng hingin? Si direk Joel (Lamangan) na ‘yung direktor, tapos si Mark pa (ang kasama), so ang laki-laking pasasalamat ko sa Borracho Films at sa Viva,” pahayag ni Claudine.

Dream come true naman para kay Mark Anthony ang pagsasama uli ni Claudine sa pelikula dahil matagal na raw nakaplano ang kanilang reunion movie pero hindi matuloy-tuloy.

“Buti ngayon, natuloy na, and natsambahan naman namin itong script na ‘to,” sabi pa ni Mark.
Samantala, natanong din namin sina Mark at Claudine kung napa-throwback ba sila sa kanilang past  habang ginagawa ang “Deception” at napag-usapan ba nila kung paano kaya kung sila ang nagkatuluyan.

Nagpakatotoo naman ang dating magdyowa at parehong umamin na totoong napag-uusapan nila at naitatanong kung ano kaya ang buhay nila ngayon kung sila ang itinadhana.

Kuwento ni Claudine, napagkukuwentuhan nga raw nila kung ano kaya ang itsura ng mga anak nila kung sila ang nagkatuluyan.

Sey naman ni Mark, happy siya na close sila ulit ni Claudine, “Hindi man kami nagmamahalan bilang lovers, bilang magkaibigan, bilang acquaintance, ako natutuwa pa rin akong nakakausap siya, ganu’n din siya sa akin.

“Pero iniisip ko rin, kung nagkatuluyan kami, ano kaya ang hitsura ng anak namin? Alam mo ‘yun?” lahad pa ng aktor.

Hirit naman ni Claudine, “Napag-usapan namin ‘yan, actually. Paano kung nagkatuluyan tayo? Ilang taon na ‘yung anak natin? Kino-compute pa namin.”

“Pero para sa akin, hindi pa huli ang lahat, alam mo ‘yun? Kung anuman ‘yun. Kasi bata pa naman si boss Clau, eh. Alam mo ‘yun? Depende sa sitwasyon, alam mo ‘yun? Kung biglang may access ako na makaligaw sa kanya, bakit hindi?” sabi naman ng aktor.

At sa tanong kung mahal pa rin ba ni Mark si Claudine, “Yes, I still love Claudine, as an actress, as a friend. Crush-wise, hindi mawawala ‘yung pagka-crush ko sa kanya. Kahit ano pa ang situation. Basta lagi ko siyang crush.” 

Samantala, simula sa Jan. 28, streaming na sa Vivamax ang “Deception” directed by Joel Lamangan.

Pagpapabakuna ni Mark Anthony ng anti-COVID binatikos, may nilabag nga bang batas?

Hugot ni Claudine tungkol sa taong ‘sinungaling’, ‘ipokrita’ para nga kaya kay Julia?

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending