Relasyong Kathryn-Daniel solid na solid pa rin: Hindi namin inakala na after 11 years ay nandito pa rin kami, on and off cam
MARAMING hindi inakala sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa pagsasama nila sa “2 Good 2 Be True” na nasa huling tatlong linggo na lamang sa ere.
“Siguro ‘yung sa amin, hindi namin inakala na after 11 years ay nandito pa rin kami, na we’re still together on and off cam kasi hindi mo naman talaga aakalain ‘yun kasi we started the relationship na sobrang bata pa kami.
“Hindi namin inakala na over the years, mabi-build namin ang ganito ka-strong na partnership,” say ni Kathryn.
“Hindi ko inakala na ganito tatanggapin ang show namin kasi we’ve done many shows together. Laging nandoon ‘yun, laging nasa likod ng isip naming ‘yun. Paano kung ganito? Paano kung sawa na (ang fans), wala na tayong chemistry, alam mo ‘yung ganon? Hindi ko inakala na tatanggapin ang show ko nang ganito,” say naman ni Daniel.
Samantala sa huling episode, agad na nagsuspetsa si Ali kay Helena matapos nilang malaman ang sinabi ng Japanese investor kay Eloy na ito ang nagbigay ng impormasyon tungkol sa kaso ng binata.
View this post on Instagram
Napagtagpi-tagpi ni Ali na posibleng si Helena mismo ang sumaksak sa sarili at hindi si Ramon dahil sa direksyon ng pagkakasaksak nito at sa lalim ng mga sugat.
Kahit naman patuloy ang banta sa buhay nilang dalawa at ni Hugo, hindi naman tinitigil ng magkasintahan ang pagtupad sa kani-kanilang mga pangarap.
Napagtagumpayan ni Eloy na makuha ang loob ng Japanese investor para sa planong tulungan ang mga naagrabyado nilang mahihirap habang nakapasok naman si Ali sa medical school para matupad ang ambisyon niyang maging doktor.
Mula sa mala-aso’t pusang relasyon nina Ali at Eloy hanggang sa maging magkasintahan, sabay nila ngayong haharapin ang pagsubok na dala ni Helena.
Sa huling tatlong linggo ng programa, makamit kaya nila ang inaasahang mapayapang buhay para ipagpatuloy ang kani-kanilang mga pangarap?
Nanatiling most-watched series ang “2G2BT” sa Netflix PH at hindi naman ito naaalis sa Top 10 shows ng iWantTFC simula noong Mayo.
* * *
Naiiyak ang “Tawag ng Tanghalan” singer na si Rachel Gabreza kapag naririnig niya ang kanta ni Sarah Geronimo na “Isa Pang Araw”.
Matindi ang kirot sa puso ang dulot ng kanta sa kanya dahil naaalala niya ang pagkamatay ng kanyang bunsong kapatid.
In fact, nanumbalik ang kirot na kanyang nadarama nang kantahin niya ito sa presscon ng “Take Off”, ang launching concert nil ani Idol Philippines contestant Kier King na gaganapin sa Music Museum sa December 3.
“Sabi ko, makakanta ko ba siya kasi sa tuwing naririnig ko siya naiiyak ako. Pero chinallenge ko ang sarili ko,” sabi ni Rachel sa amin matapos umiyak nang kantahin ang “Isa Pang Araw” sa presscon.
Namatay ang bunsong kapati ni Rachel dahil sa sakiof leukemia noong two years old ito. Her younger brother was born prematurely.
“Noong ipinanganak naman siya ay healthy naman siya. Sa ngayon kasi, inisip na lang namin na na kay Lord na siya, na masaya na siya, na hindi na siya naghihirap,” say ng biriterang singer.
Sa pagkawala ng kanyang kapatid ay maraming natutuhan si Rachel.
“Siguro kung may isa pang araw sa buhay ko, gusto kong balikan ang mga good memories. Of course, with my brother, with my family. Magba-bonding kami kasi hindi mo alam kung kailan mawawala ang mga mahal mo sa buhay,” say niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.