Netizen galit na galit kay Juancho Trivino: Pikon na pikon na ko sa ‘yo! Mukha kang itlog na puyat…panot!
BUKOD kina Barbie Forteza, Dennis Trillo at Julie Anne San Jose, isa pa sa mga palaging pinag-uusapan ng mga manonood sa “Maria Clara at Ibarra” ay si Juancho Trivino.
Kung kinaaaliwan ng mga Kapuso viewers si Barbie sa bawat episode ng nasabing GMA primetime series, halos isumpa naman nila ang karakter ni Juancho bilang si Padre Salvi.
Ang “Maria Clara at Ibarra” ay base sa nobela ni Dr. Jose Rizal na “Noli Me Tangere” at “Eli Filibusterismo”.
View this post on Instagram
At talagang kinaiinisan ng mga manonood ang karakter ni Juancho sa hit fantasy portal teleserye ng GMA bilang prayle noong panahon ng Kastila.
Sa kuwento, si Padre Salvi ang nagsisilbing kura-paroko sa bayan ng San Diego na may lihim na pagtingin kay Maria Clara (Julie Anne).
Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Juancho ang isang video clip mula sa TikTok ng isang netizen na bwisit na bwisit sa kanyang karakter.
Mapapanood sa video ang split screen ng reaksyon ni Juancho na nagugulat kapag sinasabihan siyang “panot” ng netizen. Kalbo ang tuktok ng role ng aktor sa serye.
Komento ng isang viewer ng “Maria Clara at Ibarra”, “Ako pikon na pikon na ko sa ‘yo, ah. Panot! Panot! Isa kang panot! Mukha kang itlog na puyat. Panot!”
Ang inilagay na caption ni Juancho sa kanyang IG post, “Reaction to weekly fan mail. #FeelingBlessed #PadreSalvi @gmanetwork @gmadrama.”
Tawang-tawa naman ang mga netizens sa paandar na post ni Juancho, kabilang na ang kanyang mga kapwa Kapuso stars tulad nina Dianne Medina, Dion Ignacio at Yasmien Kurdi.
* * *
Lalong mas nagiging intense ang mga kaganapan sa GMA and Quantum Films’ primetime series na “What We Could Be.”
Excited na ang viewers at fans na malaman kung magkakaroon nga ba ng happy ending ang pag-iibigan nina Franco (Miguel Tanfelix) at Cynthia (Ysabel Ortega).
Bumilib at hindi naka-move-on ang Kapuso viewers sa masasakit na palitan ng words nina Franco at Cynthia sa nakaraang episode. Naharap si Cynthia sa mahirap na sitwasyon matapos ibenta ni Franco ang kanilang panaderia, at makita nitong kayakap ng binata si Vera (Hailey Mendes).
Marami ang pumuri sa kanilang pag-arte at confrontation scene. Sabi ng isang netizen, “This is one of the most painful yet the most beautiful and powerful scenes in ‘What We Could Be.’ The delivery of the lines, the emotions, everything. Grabe.”
Marami rin ang nadadala sa emosyon nina Cynthia at Franco. Komento ng loyal viewer, “The entire scene was so well-executed pero this part was a favorite. Cynthia desperately reaching out and Franco almost losing his resolve. Ang galing niyo.”
Samantala, marami na ang nase-sepanx at nalulungkot sa nalalapit na finale week ng serye. “Malapit na matapos ang wwcb wala na ako aabangan,” komento ng isang avid viewer.
Tutukan ang finale week ng “What We Could Be” ngayong linggo, 9:35 p.m. pagkatapos ng “Start-Up PH” sa GMA Telebabad.
Juancho pinayuhan si Rocco sa nalalapit na panganganak ni Melissa: Parehas kasi kami ng pinagdaanan…
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.