Juancho pinayuhan si Rocco sa nalalapit na panganganak ni Melissa: Parehas kasi kami ng pinagdaanan…
FIRST time magiging kontrabida ang Kapuso actor na si Juancho Trivino sa isang teleserye kaya siguradong maninibago sa kanya ang mga televiewers.
Si Juancho ang gaganap bilang Padre Salvi sa pinakabagong primetime series ng GMA, ang historical portal fantasy series na “Maria Clara at Ibarra.”
Makakasama niya rito sina Dennis Trillo as Crisostomo Ibarra, Julie Anne San Jose as Maria Clara at Barbie Forteza bilang si Klay, ang kikay na nursing student na mapupunta sa mundo ng mga nobela ni Jose Rizal, ang “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo.”
Ayon kay Juancho, excited na rin siyang mapanood ng mga Kapuso ang “Maria Clara At Ibarra” dahil ito nga ang unang pagkakataon na gaganap siyang masama. Siguradong ikawiwindang din daw ng viewers ang itsura niya sa serye.
View this post on Instagram
“Ako si Padre Salvi. Alam naman natin noong unang panahon na ‘yung mga pari, the friars during that time, ang very powerful and may control,” ani Juancho sa isang panayam.
Base sa kuwento ng “Noli Me Tangere,” si Padre Salvi ang nagdulot ng matinding kapahamakan kay Crisostomo Ibarra at may lihim ding pagnanasa kay Maria Clara.
Kuwento ng aktor, talagang sumailalim siya sa acting workshop sa pamumuno ng aktres na si Ana Feleo para mas maging makatotohanan ang kanyang pagganap. Kasabay nito, nag-aaral din daw siya ng Spanish.
Samantala, kasama rin nila sa serye si Rocco Nacino na gaganap namang Elias. Sey ni Juancho, nakaka-relate raw siya sa pinagdaraanan ngayon ni Rocco bilang future daddy.
Ilang linggo na lang ay manganganak na ang misis ni Rocco na si Melissa Gohing at very soon ay magsisimula na uli silang mag-lock-in taping para sa “Maria Clara At Ibarra.”
Halos ganito rin daw kasi ang nangyari noon kay Juancho nang isilang sa kasagsagan ng COVID 19 pandemic ang first baby nila ng asawang si Joyce Ching na si Liam.
“Parehas rin kami ng pinagdaanan in a sense na when Liam was going to be born, scheduled ako to leave for Little Princess (lock-in taping) noong time na ‘yun last year.
“Binigyan ko siya ng advice kung ano ‘yung mga naging paraan namin noong time na ‘yun, kung ano ‘yung mga plano namin for Liam and for Joyce. Humingi siya ng mga recommendations sa akin,” ani Juancho.
https://bandera.inquirer.net/282698/juancho-joyce-handang-handa-nang-maging-mommy-ay-daddy-bong-feeling-baguhan-sa-pag-arte
https://bandera.inquirer.net/325059/dennis-trillo-sa-pagganap-bilang-crisostomo-ibarra-sobrang-bigat-kaya-parang-hindi-ka-puwedeng-magkamali
https://bandera.inquirer.net/318217/dennis-julie-anne-barbie-bibida-sa-historical-portal-fantasy-na-maria-clara-at-ibarra-jo-berry-pa-cute-na-kontrabida
https://bandera.inquirer.net/325172/lock-in-taping-ng-serye-nina-dennis-barbie-at-julie-anne-sa-ilocos-binagyo-nilindol-pero-nakaraos-din
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.