Baguhang singer na si Jericho Violago pwedeng-pwedeng maging 'utol' ni Matteo; super idol ang Ben&Ben | Bandera

Baguhang singer na si Jericho Violago pwedeng-pwedeng maging ‘utol’ ni Matteo; super idol ang Ben&Ben

Ervin Santiago - October 23, 2022 - 09:01 AM

Baguhang singer na si Jericho Violago pwedeng-pwedeng maging 'utol' ni Matteo; super idol ang Ben&Ben

Jericho Violago at Matteo Guidicelli

PWEDENG-PWEDENG gumanap na nakababatang kapatid o young Matteo Guidicelli sa pelikula at teleserye ang baguhang singer na si Jericho Violago.

Nakachikahan namin kamakailan ang bagets kasama ang ilan pang piling members ng entertainment media at pagpasok pa lamang niya sa venue ay una agad naming napansin ang malaking pagkakahawig nila ni Matteo.

Sabi namin kay Jericho, pareho sila ng aura ng mister ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo noong nagsisimula pa lamang ito sa showbiz at halos pareho rin sila ng aktor ng speaking voice.

In fairness, achiever din ang binata like Matteo dahil bukod sa kanyang angking talento, cum laude graduate rin siya sa Ateneo de Manila University sa kursong BS Business Management.

Sa murang edad pa lamang ay kumakanta at nagpe-perform na si Jericho at ngayon nga ay halos  lahat na yata ng genre sa music ay kering-keri niyang kantahin.

Nagsimula siya sa classical, Broadway, hanggang sa matutunan na rin niya ang pop at jazz, pati na rin ang swing, R&B at soul. Kaya kahit saan mo siya pakantahin siguradong makaka-relate sa kanya ang lahat ng audience.

Sa limang magkakapatid, si Jericho lamang ang napasok sa mundo ng entertainment. Ayon sa kanyang very supportive mom na si Chiqui Violago, ang mga kapatid niya ay doktor at abogado.

“Growing up pina-try sa akin ng parents ko ang sports pero hindi ko masyado nagustuhan. Then I tried piano, violin then after that nag-focus muna ako sa education.

“It was funny enough when I was in grade 3 or 4 hindi nila alam na may boses ako. Summer noon nasa harap ako ng computer kumakanta-kanta lang ako tapos pumasok ang dad ko at nagulat siya.

“Sabi niya, ‘ha? kumakanta ka pala? May boses ka pala?’ Noon wala lang sa akin iyon kasi akala ko everyone knows how to sing. My mom enrolled me in UP Conservatory with one on one coaching sa isa sa member ng Madrigal singers, Ms. Martinez. So, I started as a classical singer.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jericho Violago (@jerichoviolago)


“And then when I got 12, the ‘King and I’ came here in the Philippines in Resorts World. And they we’re looking for cast, kids.

“So sinabihan ako ng teacher ko na mag-audition pero nasa weird age ako sabi nila I look too old to be a king pero ang taas ng boses ko tapos medyo chubby ako and very light ang skin.

“So hindi pwede maging prince. Kinausap ako ng direktor na mag-enrol sa The Music School of Ryan Cayabyab para ma-develop ang boses ko,” dire-diretsong kuwento ng binata na super favorite ang award-winning OPM group na Ben&Ben.

Nalungkot daw siya ng slight nang hindi matanggap sa “King and I” pero hindi naman daw niya masyadong dinibdib yun, “Sad lang ako, wala naman akong expectation, disappointed pero madali namang naka-move on.”

At para mas mapalawak at mas ma-improve pa ang kanyang talento sa pagkanta, nag-enrol siya The Music School of Ryan Cayabyab kung saan na-expose siya sa Broadway at theater. Mula rito, natuto rin siya ng acting sa pamamagitan ng kanilang mga recital.

Nag-join din siya sa choir ng Ateneo at napasabak din sa pop-acapella. During his college days, nag-audition naman siya sa “Asia’s Got Talent” pero hindi siya nakapasok.
Kasunod nito, nag-try naman siyang magsolo, “So in my college from 2018-2019 any opportunity I would see I would get so whenever I would join an org and they needed performer sige me, me me.

“Nagpe-perform ako sa mga event namin sa Ateneo, at nai-invite rin ng ibang organization to sing. Noong nagka-pandemic hindi na nakapag-perform pero hindi naman ako nag-stop. Nagre-record na lang ako then sina-submit ko.

“Now I graduated since ako lang ang business major sa family inalok nila na ako na ang humawak ng family business namin. Nagpaparinig na sila dati pa. Tinanong din ako ng daddy ko kung ano ang plano ko sa buhay.

“Pero hindi naman nila ako pine-pressure. At sinabi ko talaga sa kanila na, ‘I want to be a performer, I want to be a singer, eversince naman ito talaga ang gusto ko. I feel like na if I don’t pursue this, I’ll regret it. I don’t like having regrets in life. ‘Yung mga what if.

“And sinabi ko na ito lang ang alam ko na gusto ko na I’m sure na I love to sing and I love to perform and I love to learn,” sey ni Jericho na ang tinutukoy ay ang negosyo nilang rice mill sa San Jose, Nueva Ecija.

Bukod sa pagkanta, siguradong may ibubuga na rin ang binata pagdating sa akting dahil nag-undergo rin siya ng acting workshop sa Ogie Diaz Acting Workshop.

Nakapag-perform na si Jericho sa Music Museum, GSIS Museum at Valle Verde Country Club. Siya rin ang naging special guest sa opening ng Biñan Mall sa Laguna kamakailan.

Kinakanta rin niya ang mga awitin mula sa Broadway musicals na “King and I,” “Annie,” “South Pacific” pati na mga  OPM hits at jazzy standards tulad ng mga songs ni Michael Buble.

Sa ngayon, abangers na si Jericho sa mga kantang ginagawa ng dalawang veteran record producer para sa kanyang debut EP.

Sina Emy Domingo at Ogie Diaz ang nangangalaga sa career ni Jericho Violago na napakalaki ng chance na makilala at sumikat sa mundo ng musika.

Matteo Guidicelli pinagsabihan si Alex Gonzaga: Irespeto natin ang mga asawa natin

Chiz sa pagtatambal uli nina Heart at Jericho: It’s up to you, hindi naman ako selosong tao…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jericho sumabak pa rin sa acting workshop sa New York kahit ‘best actor’ na sa Pinas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending