Jessy Mendiola kabog sa kanyang maternity shoot: I can't wait to meet her… | Bandera

Jessy Mendiola kabog sa kanyang maternity shoot: I can’t wait to meet her…

Pauline del Rosario |October 22,2022
facebook
share this

Jessy Mendiola kabog sa kanyang maternity shoot: I can’t wait to meet her…

Pauline del Rosario - October 22, 2022 - 03:35 PM

Jessy Mendiola

AWRA to the max at dyosang-dyosa pa rin ang aktres at “mom-to-be” na si Jessy Mendiola sa kanyang “maternity shoot.”

Ibinandera ng aktres sa kanyang latest YouTube vlog noong October 20 ang “behind-the-scenes” ng photoshoot na nangyari sa isang luxury hotel sa Pasay City.

Sumalang sa tatlong “layouts” ang mom-to-be at nakasama pa niya ang mister at TV host na si Luis Manzano.

Ayon pa kay Jessy, hindi na siya makapaghintay na makita ang kanyang anak na si Baby Peanut.

Caption niya, “I love my big bump and I cannot lie.

“Baby peanut is growing fast and I can’t wait to meet her, and hold her in my arms.

“For now, awra awra muna si mommy ha.”

Noong nakaraang buwan ay nagkaroon ng “gender reveal” party ang mag-asawa kasama ang pamilya at mga kaibigan.

Sabay-sabay nilang nalaman na babae ang magiging anak ng celebrity couple.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jessy Mendiola – Manzano (@jessymendiola)

Pitong buwan nang nagdadalang-tao si Jessy at siya’y inaasahang manganganak ngayong Disyembre.

Matatandaang noong Agosto nang ibinalita ng dalawa na magkakaroon na sila ng panganay.

Inanunsyo nila ‘yan sa isang vlog at sinabing ito ang “best surprise” na natanggap nila bilang mag-asawa.

Noong Pebrero ng nakaraang taon sila kinasal sa Batangas matapos ang apat na taong magkarelasyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Read more:

Jessy Mendiola nag-shopping nang bongga bago manganak, ninega ng netizen

Jessy Mendiola tinamaan ng COVID-19: It was the hardest 11 days of my life

Herlene Budol hinding-hindi tatanggalin sa pangalan ang ‘Hipon Girl’; lumelebel ang ganda kay Jessy Mendiola

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending