Herlene Budol hinding-hindi tatanggalin sa pangalan ang 'Hipon Girl'; lumelebel ang ganda kay Jessy Mendiola | Bandera

Herlene Budol hinding-hindi tatanggalin sa pangalan ang ‘Hipon Girl’; lumelebel ang ganda kay Jessy Mendiola

Ervin Santiago - September 08, 2022 - 01:04 PM

Jessy Mendiola at Herlene Budol

NEVER kalilimutan at walang balak si Herlene Budol na tanggalin sa pangalan niya ang “Hipon Girl” na unang titulong nagpasikat sa kanya.

Ipinagdiinan ng Kapuso actress at beauty queen na kahit may korona na siya bilang beauty queen at isa na ring brand endorser, hindi niya naisip na ibasura nang tuluyan ang pagiging “Hipon Girl.”

Sa pagpapakilala sa kanya bilang bagong ambassador ng Rejuviant Premium Cocoberry Body Wash at Premium Cocoberry Instaglow Lotion, natanong nga ang dalaga tungkol dito dahil marami ang nagsasabi na hindi na applicable sa kanya ang tawag na “Hipon.”

“Hindi! Hindi ko aalisin yun, ‘no! I love hipon. Pero ngayon, nagsasawa na ako sa pagkaing hipon, e.

“Dati, favorite ko na yun, e. Wala, e! Ikaw ba naman, since 2018, lahat ng pinupuntahan ko ipinapakain sa akin lagi, hipon.

“Lahat ng klase. Kaya siguro ngayon, isa-isa na lang, ganyan. Dati, patay-gutom ako sa ganyan, e! Oo!

“Hindi ko iwawala sa buong buhay ko ang pagiging Hipon Girl. Pag nagpapakilala nga ako, e, kahit maghahanap ako ng trabaho, sasabihin ko, Herlene Hipon Budol po ang sasabihin ko.

“Herlene Hipon Nicole Budol. O, di ba, ang dami? Shout out nga pala sa mga ka-Squammy, Hiponatics, mga ka-Budol diyan!

“Hindi ko siya wawalain, kasi, du’n ako, e. Du’n ako nag-start. Ang taong marunong lumingon sa pinanggalingan, mas iniaangat ng Panginoong Maykapal,” aniya pa.

Samantala, lume-level na ngayon ang ganda at kakinisan ni Herlene sa misis ni Luis Manzano na si Jessy Mendiola.

View this post on Instagram

A post shared by Herlene Nicole Budol (@herlene_budol)


Si Jessy kasi ang unang celebrity endorser ng Rejuviant na pag-aari ng pamilya ni Chique Ballon (CEO) at ikalawa nga nga si Herlene na pak na pak ang image ngayon sa nasabing brand.

Biro nga ni Herlene, para na silang mag-sister ni Jessy at kapag daw tumitingin siya ng mga pictures sa social media naguguluhan na raw siya kung sino talaga si Jessy at kung sino si Hipon Girl.

Siyempre, proud na proud at feeling flattered ang dalaga na kasama na siya ni Jessy na nag-eendorso ng mga beauty products at nagpapasalamat siya kina Ms. Chique Ballon sa tiwalang ibinigay sa kanya bilang brand ambassador ng kanilang mga produkto.

Aniya pa, hindi raw niya pipilitin ang kanyang mga supporters na bumili ng mga ine-endorse niyang mga product at serbisyo, basta tingnan na lang daw ang epekto ng mga ito sa kanyang itsura at katawan.

https://bandera.inquirer.net/296601/herlene-budol-bawal-pang-makipag-kissing-scene-hindi-pa-ako-masyadong-marunong-mag-toothbrush

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/309320/basher-walang-awang-nilait-at-minaliit-si-herlene-budol-maganda-ka-sana-kaya-lang-bobita-ka
https://bandera.inquirer.net/289284/herlene-budol-bumuwelta-sa-mga-golden-bashers-may-hiling-para-sa-magulang-nina-toni-at-alex
https://bandera.inquirer.net/310433/herlene-budol-nanawagan-sa-pagsali-sa-bb-pilipinas-wish-me-luck-mga-kasquammy-ipag-pray-nyo-po-sana-ako

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending