BGYO na-magnet ang mga music lover, umariba sa 3 bansa | Bandera

BGYO na-magnet ang mga music lover, umariba sa 3 bansa

Pauline del Rosario - October 22, 2022 - 10:53 AM

BGYO

PHOTO: Instagram/@bgyo_ph

MUKHANG na-”magnet” nga ng Pinoy Pop Group na BGYO ang ilang bansa matapos ilabas ang bago nilang single.

Number one kasi sa “iTunes” ng tatlong bansa ang kalalabas lang nila na kantang “Magnet!”

Ang masayang balita ay ibinandera mismo ng “Star Music” sa social media.

Ni-release ang kanta noong October 20 na nanguna kaagad sa Pilipinas.

Numero uno rin ito sa nasabing “digital store” ng Saudi Arabia, at Singapore.

Habang number two naman ito sa United Arab Emirates, at pang siyam sa Hong Kong.

Sabi pa sa caption, “Talaga namang gumana ang salamangka dahil #1 na sa tatlong bansa at charting sa ilan para sa @iTunes ang “Magnet” ng @bgyo_ph.”

Bukod pa sa iTunes, naging top trending topic sa Twitter Philippines ang “#BGYO_MagnetLeadSingle” at “MAGNET MUSIC VIDEO.”

Ang kantang “Magnet” ay ang lead track ng grupo para sa inaabangang second album na pinamagatang “BE:US.”

Kamakailan lang nang inanunsyo ng BGYO na maglalabas sila ng kanilang comeback album sa November 3.

Sa isang panayam, inilarawan ng P-Pop group na ang bagong album ay “extraordinary,” at “untouchable.”

Noong nakaraang taon lang nang mag-debut ang grupo na sinundan naman ng kanilang kauna-unahang studio album na “The Light.”

Ilan sa mga naging hit songs nila ay ang “He’s Into Her,” “When I’m With You,” at “The Baddest.”

Mula nang mabuo ang BGYO, tuloy-tuloy na ang paghakot nila ng parangal sa iba’t-ibang award-giving body.

Kabilang na riyan ang “People’s Voice Favorite Group Artist” na nakuha nila sa “34th AWIT Awards,”  ang “P-Pop Boy Group of the Year” sa “6th P-Pop Awards” at “TikTok Awards Philippines 2022,” pati na rin ang “Outstanding Boy Group of the Year” sa “2nd Diamond Excellence Awards.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Read more:

Red Velvet, BINI, BGYO, Lady Pipay hahataw sa ‘Be You!’ concert para sa mental health awareness

‘One Dream’ concert ng BINI at BGYO trending worldwide; ang titindi ng prod numbers

BINI, BGYO magpapasiklaban sa joint concert; Budding female star doble kara

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending