Red Velvet, BINI, BGYO, Lady Pipay hahataw sa 'Be You!' concert para sa mental health awareness | Bandera

Red Velvet, BINI, BGYO, Lady Pipay hahataw sa ‘Be You!’ concert para sa mental health awareness

Ervin Santiago - June 15, 2022 - 01:27 PM

BINI, Red Velvet at BGYO

TULOY na tuloy na ang espesyal at makabuluhang advocacy concert na hangaring i-promote ang mental health awareness para sa mga taong may special needs.

Pinamagatang “Be You! The World Will Adjust (An Extraordinary Celebration For People With Special Needs)”, magaganap na concert sa Hulyo 22, Biyernes, 7 p.m. sa SM Mall Of Asia Arena mula sa Purpose International Training Institute, Inc..

Gumagawa at nagbibigay ang In Purpose International Training Institute ng mga tutorial training na nakasentro sa mga programa para sa skill development at special education para sa mga taong mayroong special needs.

Sa pamamagitan ng kanilang tagline na “#YesToInclusion,” layunin ng event na ito na ipagdiwang ang diversity, individuality, at kalayaan ng self-expression lalo na sa mga taong may special needs.

Nais din ng mga organizers ng event na lumikha ng isang bukas at ligtas na espasyo para ma-express ng lahat ang kanilang mga sarili at ipagdiwang ang buhay lalong lao na sa gitna ng mahirap na buhay dulot ng pandemya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by BGYO (@bgyo_ph)


Sa direksyon ni Alex Magbanua, bibida at hahataw sa concert na ito ang Korean all-girl pop group na Red Velvet kasama ang mga homegrown Pinoy artists tulad ng BGYO, BINI, Aeron Mendoza at Lady Pipay.

Ipakikita rin sa concert ang mga inspiring testimonials na nag-aangat sa mga karanasan ng mga taong may special needs na siguradong magsisilbing inspirasyon sa bawat Filipino.

https://bandera.inquirer.net/292020/bgyo-bini-matinding-hamon-ang-haharapin-sa-one-dream-concert-tingnan-natin-kung-kakayanin-nila

https://bandera.inquirer.net/297216/one-dream-concert-ng-bini-at-bgyo-trending-worldwide-ang-titindi-ng-prod-numbers
https://bandera.inquirer.net/305836/maxene-nagpayo-sa-mga-laging-nganga-tuwing-valentines-day-love-is-all-around-us

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending