4 sugatan matapos bumagsak ang ‘Wawa Bridge’ sa Pangasinan | Bandera

4 sugatan matapos bumagsak ang ‘Wawa Bridge’ sa Pangasinan

Pauline del Rosario - October 21, 2022 - 02:19 PM

Bumagsak na Wawa Bridge sa Pangasinan

Bumagsak na Wawa Bridge sa Pangasinan —SARAH JANE ABALOS / CONTRIBUTOR

APAT ang sugatan sa Pangasinan matapos bumagsak ang bahagi ng “Carlos P. Romulo Bridge” o “Wawa Bridge” sa bayan ng Bayambang.

Sa isang Facebook video, ikinuwento ni Bayambang Mayor Niña Jose Quiambao na binabaybay ng dalawang “trucks” ang tulay nang bigla itong bumigay ng 3:30 p.m. ng Oct. 20.

Ang nasabing tulay ay kumokonekta sa nayon ng Wawa at bayan ng San Vicente.

Dagdag pa ni Quiambao ay kaagad namang isinugod sa ospital ang apat na sakay ng nahulog na “trucks.”

Sey ng mayor, “Nagpapasalamat po tayo sa Diyos na wala pong binawian ng buhay at mayroon po tayong apat na indibidwal na sugatan, pero kasalukuyan sila po ay ginagamot at wala po sila sa kritikal na kondisyon.”

Ipinaliwanag din ni Quiambao na “overload” ang naging dahilan kaya bumigay ang tulay.

sabi niya, “Ang nangyaring insidenteng po ito ay dahil sa overload ng trucks na dumadaan sa ating bridge at rest assured po na ang ating DPWH at ang ating provincial government ay nakikipagtulungan sa LGU para maaksyunan agad ang pag-ayos ng ating bridge.”

Pinayuhan din ng alkade ang mga motorista na dumaan na muna sa mga alternatibong ruta na ibabandera sa kanyang Facebook page.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.

Kwento naman ng mga residente na malapit sa tulay, nakarinig sila ng malakas na kalabog nang mahulog ang mga truck.

Maraming residente rin daw ang na-stranded dahil sa nangyari.

Abiso ng mga awtoridad sa mga residente na huwag munang lumapit sa bahagi ng tulay dahil may nakita silang mga bitak sa paligid nito.

Matatandaang noong Abril ay may kaparehong insidente sa Bohol na kung saan bumagsak ang tulay sa bayan ng Loay.

Apat ang namatay sa insidente, kabilang na ang isang dayuhan at labindalawang sasakyan naman ang nahulog sa Loboc River.

Read more:

Dating Pangulong Marcos naging tulay sa pag-iibigan ng aking magulang – Greco Belgica

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sid nanligaw noon kay Iya, si Drew ang naging ‘tulay’

Piolo posibleng mapasama sa Hollywood project ni Inigo: Let’s cross the bridge when we get there

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending