Dating Pangulong Marcos naging tulay sa pag-iibigan ng aking magulang – Greco Belgica | Bandera

Dating Pangulong Marcos naging tulay sa pag-iibigan ng aking magulang – Greco Belgica

Jan Escosio - February 14, 2022 - 07:11 PM

KUNG hindi nabigyan ng pardon ni yumaong Pangulong Ferdinand Marcos, wala ngayon si dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Chairman Greco Belgica.

Ito ang malaking utang na loob na tinatanaw ng pamilya Belgica sa pamilya Marcos, partikular na nga sa dating pangulo.

Hindi itinanggi ni Belgica na noong dekada 60, naging makulay ang naging buhay ng kanyang kilabot na ama sa batas dahil sa edad 16 ay nakulong na ito sa kasong pagpatay.

At maging sa loob ng kulungan ay mas nakilala at kinatakutan ang matandang Belgica sa loob sa 12 taon.

Kuwento ni Greco, nagbago lang aniya ang ama nang makilala nito ang kanyang ina.
“Na-in love ang father ko, nagbago, and wanted to change his life. My dad maintained good behavior and accomplished a lot as an inmate. 

“He was appointed as Task Force Chief in Iwahig Penal Colony and brought together warring gangs, ultimately persuading a bevy of gang members to leave their tribes and come together as one. 

“And then he wrote to President Marcos and asked to be given a second chance in life,” kuwento nito.

Hindi rin naman pahuhuli si Greco sa ama dahil makulay din ang kanyang paglilingkod sa gobyerno.
Noong 2013 kabilang siya sa mga nagpetisyon sa Supreme Court na lusawin ang ‘pork barrel.’

At para patunayan na seryoso siya sa paglaban sa katiwalian sa gobyerno, ibinunyag ni Belgica ang P741.53 million Yolanda housing anomaly at P153.7 billion Philhealth anomaly.

Bukod pa rito, naipakulong niya ang 24 kawani ng gobyerno dahil sa korapsyon at 800 opisyal naman ang napasibak niya sa puwesto.

Inaksiyonan din niya ang 13,000 ulat ng korapsyon at 9,000 reklamo ukol sa Social Amelioration Program (SAP).

Nabanggit din nito na kung ang kanyang ama ay malaki ang utang ng loob sa yumaong Pangulong Marcos, siya naman  ay labis-labis na nagpapasalamat kay Pangulong Duterte sa pagtitiwala sa kanya.

“Siya ay nilagay ko sa anti-corruption commission at marami ang trabaho niya. Hindi ito mayabang, hindi ito mahangin. Marami ‘yang alam kaya nilagay ko siya sa posisyon na delikado – delikadong mabili, delikadong matakot. Hindi ‘yon, hindi siya,” ang mensahe ni Pangulong Duterte sa pagkilala sa mga nagawa ni Belgica.

https://bandera.inquirer.net/292054/fr-ferdinand-santos-nilinaw-na-hindi-edited-ang-nag-viral-na-photos-yours-truly-is-old
https://bandera.inquirer.net/298395/bongbong-marcos-negatibo-sa-cocaine

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/295224/pangulong-duterte-sinisisi-ang-sarili-sa-kakulangan-ng-covid-19-vaccines

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending