Bea ibinigay ang P50k na premyo sa 4 na ulilang sumalang sa 'Bawal Judgmental'; maraming pinaiyak na Dabarkads | Bandera

Bea ibinigay ang P50k na premyo sa 4 na ulilang sumalang sa ‘Bawal Judgmental’; maraming pinaiyak na Dabarkads

Ervin Santiago |October 10,2022
facebook
share this

Bea ibinigay ang P50k na premyo sa 4 na ulilang sumalang sa ‘Bawal Judgmental’; maraming pinaiyak na Dabarkads

Ervin Santiago - October 10, 2022 - 02:01 PM

Bea Alonzo ibinigay ang P50k na premyo sa 4 na ulilang sumalang sa 'Bawal Judgmental'

Pauleen Luna, Bea Alonzo at Ryan Agoncillo

BUONG-PUSONG ibinigay ng Kapuso actress na si Bea Alonzo ang napanalunang premyo sa “Bawal Judgmental” segment ng “Eat Bulaga” last weekend.

Si Bea ang celebrity contestant sa “Bawal Judgmental” nitong nagdaang Sabado, October 8, kung saan nga siya nanalo ng P50,000 matapos masagot nang tama ang mga ibinatong tanong sa kanya.

Pero sa halip nga na iuwi ang napanalunang cash, ibinigay na niya ito sa apat na choices na nakaharap niya sa nasabing segment ng longest-running noontime show sa bansa.

Sa nasabing episode, apat na ulila na sa magulang ang mga nakaharap na choices ng lead star ng Kapuso primetime series na “Start-Up PH.”

Sa unang round, kinailangang hulaan ng leading lady ni Alden Richards kung sino sa apat na choices ang ulilang lubos sa edad na 14 years old o mas bata pa.

In fairness, tama naman ang naging hula ni Bea kung kaya’t hindi nabawasan ang kanyang guaranteed money na P50,000. Hindi na nagkaroon ng round 2 dahil kinapos na sa oras ang programa.

Makikita naman sa mukha ng dalaga ang magkakahalong emosyon habang nakikinig sa mga kuwento ng apat na choices bilang mga ulilang lubos.

View this post on Instagram

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)


“Maraming-maraming salamat dahil pinag-guest niyo ako dito at narinig ko ‘yung mga istorya nila.

“At grabe ang bigat pero I have to say very inspiring din kasi sa kabila ng lahat ng mga pinagdaanan niyo, napakatapang at napaka-strong niyo na mga tao.

“Kitang-kita ko pa rin sa mga mata niyo ‘yung kindness kahit ang dami niyong hinarap na mga challenges sa buhay,” pahayag ng Kapuso star.

At bago nga magtapos ang “Bawal Judgmental” inihayag ni Bea na  ibibigay na lamang niya sa mga choices ang napanalunang premyo para kahit paano’y makatulong siya sa mga ito.

“Dahil diyan gusto ko ring i-share ‘to sa inyo, para sa inyo ‘to hindi ito para sa akin,” sey ni Bea.

Marami ring na-touch sa nasabing episode ng “BJ” at halos lahat ng nabasa naming comments sa social media ay humanga sa ginawa ni Bea.

“Nakakaiyak ang sement na ito pero lalo akong naiyak (sa tuwa) ng ipamigay ni Bea ang napanalunan. You’re so beauiful in and out and so kind. God bless you more!” pahayag ng isang netizen.

“Ganyan ang paggawa ng mabuti sa kapwa hindi yung puro kanegahan at paninira ang pino post sa social media. Kaya blessed din si Bea dahil mabait at totoong generous,” sabi naman ng isa pa.

Samantala, napapanood pa rin si Bea gabi-gabi sa kauna-unahan niyang Kapuso series na “Start-Up PH” sa GMA Telebabad pagkatapos ng “Maria Clara at Ibarra.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/290763/lyca-ibinenta-na-ang-napanalunang-bahay-sa-the-voice-kids-naiinggit-nga-ba-kay-darren https://bandera.inquirer.net/301517/allan-k-nagka-girlfriend-noon-sa-bacolod-what-if-kung-totoo-ngang-may-anak-ako-di-ba https://bandera.inquirer.net/293127/maine-ibinuking-ng-yaya-sa-bawal-judgmental-mahilig-nga-po-siyang-humarap-sa-salamin-magarte https://bandera.inquirer.net/300901/kim-muntik-nang-manirahan-sa-canada-dahil-sa-mga-judgmental-yung-tingin-nila-sa-akin-ang-bobo-ko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending