Maine ibinuking ng yaya sa Bawal Judgmental: Mahilig nga po siyang humarap sa salamin, mag-arte-arte | Bandera

Maine ibinuking ng yaya sa Bawal Judgmental: Mahilig nga po siyang humarap sa salamin, mag-arte-arte

Ervin Santiago |September 16,2021
facebook
share this

Maine ibinuking ng yaya sa Bawal Judgmental: Mahilig nga po siyang humarap sa salamin, mag-arte-arte

Ervin Santiago - September 16, 2021 - 09:02 AM

Yaya Perly at Maine Mendoza

IBINUKING ng kanyang yaya ang Phenomenal Star na si Maine Mendoza sa nakaraang episode ng “Bawal Judgmental” sa longest-noontime show sa bansa na “Eat Bulaga”.

Tampok ang yaya ng mga artista sa nasabing segment ng programa kung saan isa nga ang Yaya Perly ni Maine sa mga pagpipiliang choices.

Mahigit 35 years nang nagsisilbi si Yaya Perly sa pamilya nina Maine, sa katunayan siya na ang nag-aasikaso sa bahay ng pamilya Mendoza bago pa ikasal ang mga magulang ng Dubsmash Queen.

Si Yaya Perly din daw ang nag-alaga sa TV host-actress at sa mga kapatid nito mula pa noong mga bata sila hanggang sa ngayon na  malalaki na sila. 

Sa isang bahagi ng “Bawal Judgmental”, may ibinuking si Yaya Perly tungkol kay Maine. Tanong sa kanya ni Wally Bayola, “Nu’ng inaalaagan mo ba siya Yaya Perly, nakitaan mo na ba siya nung parang ito magiging artista ‘to?”

Sagot ng kasambahay, “Oo, mahilig nga po siyang humarap sa salamin, mag-arte-arte. Pero tahimik naman po siya, lagi lang pong nasa kwarto.”

Sabi pa ni Yaya Perly, kahit daw sikat na sikat na si Maine ay wala siyang nakitang anumang pagbabago sa ugali nito.

“Hindi naman ho siya nagbago, tahimik pa rin po siya, may malambot na puso,” aniya pa.

Sa pamamagitan naman ng isang video message, pinasalamatan ni Maine ang kanyang yaya sa 35 years na pagsisilbi at pagmamahal sa kanila na parang tunay pamilya.

“Hello Pe, surprise! oh ako lang ‘to. Gusto ko lang magpasalamat Pe’ sa lahat ng ginagawa mo para sa amin, grabe 35 years ka na pala naming kasama.

“Hinihiling ko na sana makasama pa kita for another 35 years at alam ko na hindi sapat ang salitang ‘thank you’ para pasalamatan ka sa lahat ng pag-aalaga, pag-iintindi, at pagmamahal na binigay mo sa amin, sa buong pamilya.

“At ayun, lagi kong pinapaalala sayo na lagi kaming nandito para sayo, mahal na mahal ka namin. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kung may kailangan ka we’re just a call away, at lagi mong tandaan na hinding-hindi ka namin papabayaan, ‘yun lang ‘Pe. Thank you, thank you sa lahat and I love you,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending