Lyca ibinenta na ang napanalunang bahay sa The Voice Kids; naiinggit nga ba kay Darren? | Bandera

Lyca ibinenta na ang napanalunang bahay sa The Voice Kids; naiinggit nga ba kay Darren?

Ervin Santiago |August 15,2021
facebook
share this

Lyca ibinenta na ang napanalunang bahay sa The Voice Kids; naiinggit nga ba kay Darren?

Ervin Santiago - August 15, 2021 - 12:22 PM

Lyca Gairanod at Darren Espanto

NAIBENTA na pala ng Kapamilya young singer na si Lyca Gairanod ang house and lot na napanalunan niya sa “The Voice Kids” bilang grand champion.

Kuwento ni Lyca, kinailangan niya itong gawin para sa kanyang pinakamamahal na lola na mas gustong manirahan sa dati nilang bahay na malapit sa tabing-dagat.

Ngunit nilinaw naman ng dalagita na maayos pa rin naman ang pamumuhay nila ngayon ng kanyang pamilya sa kabila ng pinagdaraanang mga challenges dulot ng pandemya.

Ani Lyca, nagdesisyon sila na ibenta na lang ang napanalunang bahay na matatagpuan sa isang subdivision para may makasama ang kanyang lola. Ayaw daw kasi nitong iwan ang dati nilang tinitirhan kung saan siya lumaki.

“Marami rin pong memories sa napanalunang bahay. Pero para kay lola, gusto niya kami makasama kaso malayo po kami. Dinala namin siya doon pero umuwi. Ayaw niya po talaga doon,” pahayag ni Lyca nang makachikahan ng broadcast journalist na si Karen Davila sa kanyang vlog.

Talagang dinalaw pa ng TV host at news anchor si Lyca sa tinitirhan nito ngayon sa Tanza, Cavite.

Sabi pa ng Kapamilya singer,  “Nandito kaluluwa ko. Pilit niya kong binabalik.”  

Kuwento pa ni Lyca, binili na lamang nila ang dating inuupahang bahay para hindi na mawalay sa kanila ang kanyang lola.

Nagpapasalamat naman ang dalagita sa lahat ng mga taong patuloy na sumusuporta sa kanya lalo na sa mga nanonood sa kanyang YouTube channel.

Kamakailan lang ay umabot na sa mahigit 1 milyon ang kanyang subscribers. Siguradong malaki ang naitutulong ng kinikita niya bilang vlogger para patuloy na masuportahan ang pamilya at makatulong sa mga nangangailangan.

Kamakailan ay masaya ring ibinalita ni Lyca sa madlang pipol na nakabili na rin siya ng sariling sasakyan na talagang pinag-ipunan niya nang bonggang-bongga.

Samantala, nilinaw naman ng singer ang isyu tungkol sa kanila ni Darren Espanto na nakalaban niya noon sa “The Voice Kids.” Aniya, hindi totoong naiinggit o nai-insecure siya sa kasikatan ngayon ng singer-actor.

Paliwanag ni Lyca parang kapatid na rin ang turing nila sa isa’t isa at masaya siya sa mga achievements ng binata, “Proud po ako kay Kuya Darren kung ano yung nararating niya.” 

“Sobrang saya ko po kasi pinapahalagahan ni Kuya Darren kung ano meron ako. Deserving kaming lahat. Thankful ako si Kuya Darren di ako pinabayaan,” sey pa ni Lyca.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending