Vice sa nang-ookray sa mga ginawang movie: Hindi n'yo pwedeng puchu-puchuin at minemenos ang pelikula ko! | Bandera

Vice sa nang-ookray sa mga ginawang movie: Hindi n’yo pwedeng puchu-puchuin at minemenos ang pelikula ko!

Therese Arceo |September 28,2022
facebook
share this

Vice sa nang-ookray sa mga ginawang movie: Hindi n’yo pwedeng puchu-puchuin at minemenos ang pelikula ko!

Therese Arceo - September 28, 2022 - 08:09 PM

Vice sa nang-ookray sa mga ginawang movie: Hindi n'yo pwedeng puchu-puchuin at minemenos ang pelikula ko!
NAUWI sa hugot ang biru-biruan nina Vice Ganda, Ogie Alcasid, Kim Chiu, at Karylle habang nagho-host sila ng isa sa mga segment sa “It’s Showtime” na Miss Q & A Queen of the Multibeks.

Ini-interview kasi nila ang mga contestants hanggang sa nabanggit na nga ng Unkabogable Star ang isa sa mga pelikulang ginawa niya noon, ang “Petrang Kabayo”.

Napansin kasi ni Vice ang huling kandidata na hindi mapalagay at panay ang galaw ng bibig ba tila inaayos ang kanyang lipstick.

“Papunta na siya kay Petrang Kabayo, yung nagta-transform na.Ganyan ako doon sa pelikula eh,” saad ng “It’s Showtime” host sabay muwestra ng kanyang ginagawang facial expression noon sa pelikula pag magta-transform na siya bilang kabayo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin)

Marami naman ang napangahanga at natawa kay Vice habang ginagawa nito ang kanyang pagtatransform sa naturang pelikula.

Kantyaw pa ng iba, sa sobrang galing raw ng Unkabogable Star ay parang CGI (computer-generated imagery) effects ang kanyang ginagawa.

“Walang effects ‘yun noong ginawa ko ‘yung Petrang Kabayo. Laki ng kinita ng Viva doon. Box-office ‘yun, walang effects,” saad ni Vice.

Sey pa ni Ogie, “Laki talaga ng titipirin ng production doon.”

Nag-request pa sila Kim na ulitin ni Vice ang kanyang reenactment ng pagta-transform niya noon sa kanyang box-office film at lumapit pa sa camera para sa mas malapit na shot.

“Live na live po. Walang CGI,” natatawang sambit naman ng co-host nito.

Singit pa ni Ryan Bang, “Mommy parang totoo.”

“Parang totoo?” tanong ni Vice.

Pagpapatuloy niya habang nilalapitan si Ryan, “Sa palagay n’yo na-flatter ako doon? Compliment ‘yun? Compliment? Makakasama sa legacy ko ‘to bilang isang artista?”

Aliw na aliw naman si Ryan dahil tila first time lang niyang makita ang kanyang nanay-nanayan na gawin at parang totoong-totoo raw ang pagganap ni Vice.

“Kaya hindi n’yo pwedeng puchu-puchuin at minimenus ang pelikula ko na parang walang kakwenta-kwenta ang pelikula ko. Pinaghirapan namin [‘yun],” sey ni Vice Ganda.

Amin niya, hindi raw naging madali para sa kanya ang paggawa noon sa pelikula at talagang pinaghirapan niya ito.

“Nahirapan ako doon. Ako ang humawa noon. Sige nga tignan ko kung kaya n’yong gawin. Nilalait n’yo ang pelikula ko, ang hirap-hirap non.”

Sa huli ay may nakaramdam naman ng anxiety si Vice sa kanyang mga ginawa habang live on air ang “It’s Showtime”.

“Nagkaka-anxiety ako… Bigla kong napag-isip, I just realized. Oh my God! I shouldn’t have done that,” lahad ng komedyante.

“Kakalat na naman online… Paganda ako nang paganda pero ‘yung mga kumakalat na picture ko ‘yung mga sasaksakan ng pangit kong picture,” hirit pa ni Vice.

Related Chika:
Vice Ganda umalma sa mga nagpapakalat ng fake news: Ang evil!

Vice Ganda umatras daw sa Idol Philippines dahil kay Sarah; inirekomenda si Chito Miranda

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Vice Ganda pumalag sa chikang nagka-issue sila ni Marian Rivera: Super yuck!

Miss Q&A contestant pinagsabihan ni Vice nang gawing joke ang ‘ngongo’ at ‘mongoloid’: Mag-explain ka!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending