Ruffa Gutierrez nilinaw ang chikang lilipat na sa ALLTV: I am allowed to work with everyone Bandera

Ruffa Gutierrez nilinaw ang chikang lilipat na sa ALLTV: I am allowed to work with everyone

Therese Arceo |September 22,2022
share this

Ruffa Gutierrez nilinaw ang chikang lilipat na sa ALLTV: I am allowed to work with everyone

Therese Arceo - September 22, 2022 - 12:09 PM

Ruffa Gutierrez nilinaw ang chikang lilipat na sa ALLTV: I am allowed to work with everyone

SINAGOT ni Ruffa Gutierrez ang mga buling-bulungan patungkol sa diumano’y paglipat niya sa bagong TV network na pagmamay-ari ng pamilya Villar na ALLTV.

Matatandaang isa ang aktres sa mga namataang artista noong magkaroon ng soft launch ang ALLTV noong Setyembre 13, 2022.

Makikitang kasa-kasama ni Ruffa sa naturang soft launching ang mga napabalitang pumirma ng kontrata sa AMBS na sina Willie Revillame, Toni Gonzaga, Mariel Padilla, Ciara Sotto, at Anthony Taberna.

Kaya naman naging palaisipan nga sa mga netizens kung ito na ba ang senyales ng pag-ober da bakod ng aktres sa bagong TV network sa kabila ng pagiging active niya sa mga shows ng ABS-CBN.

Isa siya sa mga regular judges ng mga nagiging segment ng noontime show na “It’s Showtime” at isa rin siya sa mga hurado sa “Miss Q & A”.

Pero buhat nga nang lumabas siya sa ALLTV at nang hindi na siya masyadong napapanood sa “It’s Showtime”, marami ang napaisip kung tuluyan na nga bang lumipat si Ruffa sa bagong network.

Base sa kanyang mga Instagram posts, kasalukuyang nasa Italy ang aktres at nagbabakasyon kasama ang anak na si Venice.

Kapansin-pansin naman ang mga naging comment ng mga netizens sa kanyang IG posts kung saan nasabihan siyang lilipat sa ALLTV.

“Miss Ruffa G bakit po kayo lumipat ng ALLTV. Di ba po showtime kayo? Nakakalungkot naman po iniwan n’yo ang It’s Showtime. Kayo po ang favorite kong judge sa Showtime kasi napakagaling nyo po at ang ganda nyo po,” saad ng isang netizen.

Sinagot naman to ng aktres at sinabing, “Hindi ko iniwan ang @itsshowtimena [heart emoji] I’m on vacation po.”

Comment naman ng isa pa, @Ruffa G, I will miss u na kasi I heard star ka na ng new channel (ALLTV).”

“I am a freelancer. No exclusive contract with any network. I am allowed to work with everyone,” reply niya.

Kaya naman malinaw na ngayon sa madlang pipol na maaaring mapanood si Ruffa mapa-ABS-CBN o ALLTV dahil nga wala naman siyang exclusive contract at malaya siyang magtrabaho sa kahit saang TV network.

Sa kanyang Instagram post ay nagpahayag siya sa mga tao na patuloy na nagtitiwala at nagbibigay ng trabaho sa kanya.

“”Words cannot express how grateful I am at this stage in my career to be able to work with ALL networks, producers, content creators and broadcasters,” sey ni Ruffa.

Dagdag pa niya, “Thank you for being a part of my continuous journey and for giving me the opportunity to be able to take care of my daughters.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by RUFFA GUTIERREZ (@iloveruffag)

Related Chika:
Willie Revillame inaming siya mismo ang nakikipag-usap sa mga artistang lilipat sa ALLTV, may pakiusap sa netizens

Ruffa Gutierrez itinangging may alitan sila ni KaladKaren: We’re friends!

Willie sa pagbubukas ng ALLTV: Magugulat kayo kung sinu-sino ang aming mga makakasama…at bukas kami para sa lahat!

Ogie Diaz napabungisngis sa prod number ni Toni Gonzaga sa ALLTV

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending