Ruffa Gutierrez itinangging may alitan sila ni KaladKaren: We're friends! Bandera

Ruffa Gutierrez itinangging may alitan sila ni KaladKaren: We’re friends!

Therese Arceo |August 11,2022
share this

Ruffa Gutierrez itinangging may alitan sila ni KaladKaren: We’re friends!

Therese Arceo - August 11, 2022 - 07:50 PM

Ruffa Gutierrez itinangging may alitan sila ni KaladKaren: We're friends!

NAG-REACT ang actress-beauty queen na si Ruffa Gutierrez sa kumakalat na chika patungkol sa kanyang kapwa “Miss Q&A” hurado na si KaladKaren.

Lately kasi ay tila pinagsasabong silang dalawa ng mga netizens base sa paraan ng pagiging hurado nila sa isang segment ng Kapamilya noontime show na “It’s Showtime”.

Kaya naman nilinaw nina Ruffa at KaladKaren na maayos ang samahan nila nang muli silang ipakilala sa programa.

Nauna munang i-promote ni KaladKaren ang Drag Race Philippines kung saan sinabi ni Vice na imbitahan niya ang anak ni Annabelle sa show.

“You’re gonna invite me?” tanong ni Ruffa kay KaladKaren na inoohan naman ng huli.

“Baka akala nila magkaaway tayo. They don’t know we’re friends,” pagpapatuloy pa niya.

Pinansin naman ni KaladKaren ang pink outfit ng kaibigan na siyang political color ni dating Vice President Leni Robredo.

“G*ga! Huy, grabe ka, pink is my favorite color,” sabi ni Ruffa.

Sey naman ni KaladKaren na hindi naman niya ini-issue ang suot niya.

Inamin rin ni Ruffa na wala raw siyang alam na may kumakalat na raw pa lang issue sa pagitan nilang dalawa.

“Huy, wala akong alam last night. May date ako until 1:00 a.m. so I only found out this morning na may ganap na pala,” chika pa niya.

Matatandaang nag-trending sina Ruffa at KaladKaren sa social media dahil sa naging episode ng noontime show kahapon, August 10, kung saan binigyan ng netizens ng iba pang kahulugan ang naging pahayag ng dalawa.

Base kasi sa tanong ay “Kung masipag ang mga langgam, bakit walang napapabalitang umasensong langgam?”

Sinang-ayunan kasi ni Ruffa ang sagot ng reigning queen kung saan nabanggit nito ang salitang “unity” na daan para daw umangat ang buhay ng bawat isa.

“Maganda ‘yung pino-promote mo ‘yung unity kasi ‘yun talaga ang kailangan natin ngayon especially yung mga tao nag-aaway-away, laging nagba-bash bash. Kahit mga langgam yan, hindi natin ang nangyayari sa kanila… I loved that you promoted unity,” pahayag ni Ruffa.

Samantala, inakala naman ng mga netizens na kinokontra ni KaladKaren ang sinabi ng aktres.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by RUFFA GUTIERREZ (@iloveruffag)

 

“Bakit nga ba ‘yung mga langgam parang tao… Yung mahihirap nating kababayan, kahit gaano kahirap nang nagtatrabaho, hindi sila umaasenso because of bad system, because of so many things na mga social issues na nao-oppress sila,” saad ni KaladKaren.

Inakala ng netizens na nagpapatutsadahan ang dalawa dahil aware naman ang lahat na bumida si Ruffa sa Marcos film na “Maid in Malacañang” samantalang nagpakita ng suporta si KaladKaren sa kandidatura ni Atty. Robredo noong nagdaang eleksyon.

Related Chika:
KaladKaren hinangaan sa pagiging hurado sa ‘Showtime’, ikinumpara kay Ruffa Gutierrez

Vhong Navarro inasar si Ruffa Gutierrez sa ex-boyfriend na si John Lloyd Cruz

Ruffa Gutierrez napatawad na si Yilmaz Bektas, may tsansa nga bang mag-‘comeback’?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending