KaladKaren hinangaan sa pagiging hurado sa ‘Showtime’, ikinumpara kay Ruffa Gutierrez
TRENDING ngayon ang social media personality at comedienne na si KaladKaren dahil sa kanyang pagiging isa sa mga hurado sa Miss Q&A ng “It’s Showtime”.
Humanga ang mga netizens sa pagiging kritikal ng naging impersonator ng brodkaster na si Karen Davila at talaga namang seryoso ito sa pag-judge sa mga contestants ng Miss Q&A.
At ngayong araw nga ay talaga namang on point ang mga statements ni KaladKaren matapos mapakinggan ang mga sagot ng mga contestants sa playtime question na “Kung talagang totoong masipag ang mga langgam, bakit walang napapabalitang umasenso ang mga langgam?”
Naging magkaiba ang perspective ng dalawang kalahok sa patimpalak ngunit mas pinalakpakan ng netizens at madlang pipol ang mga sinabi ng social media personality.
Umpisa ni KaladKaren, “Another attack na pwede n’yong gawin sa question na ito since playtime siya, it has to be a balance of wit and sense. Pwede n’yong gawing metaphorical.
“Bakit nga ba ‘yung mga langgam parang tao… Yung mahihirap nating kababayan, kahit gaano kahirap nang nagtatrabaho, hindi sila umaasenso because of bad system, because of so many things na mga social issues na nao-oppress sila.”
Maski si Vice Ganda ay napansin ang pagiging straightforward at pagiging “real talk” queen nito.
View this post on Instagram
Sa kabila ng pagpuri ng mga netizens ay hindi naman nila maiwasang ikumpara ang mga sinabi ni KaladKaren sa pahayag ni Ruffa Gutierrez na isa ring hurado sa Miss Q&A.
Sinang-ayunan kasi ng aktres ang sagot ng reigning queen ukol sa “unity” na talagang kailangan sa panahon ngayon.
“Maganda ‘yung pino-promote mo ‘yung unity kasi ‘yun talaga ang kailangan natin ngayon especially yung mga tao nag-aaway-away, laging nagba-bash bash. Kahit mga langgam yan, hindi natin ang nangyayari sa kanila… I loved that you promoted unity,” saad ni Ruffa.
Sey ng mga netizens, ang mga pahayag ni KaladKaren ang tunay na sumasalamin sa nangyayari ngayon sa mga Pilipino dahil marami pa rin sa atin ang naghihirap dahil sa hindi magandang sistema ng pamamahala kaya kahit anong kayod ay walang asenso at kinontra si Ruffa na walang magagawa ang unity kung bulok naman ang sistema ng isang bansa.
“Miss Kaladkaren spitting facts,” comment ng isang netizen.
Saad naman ng isa, “Unity mo mukha mo Ruffa… Mas maniniwala ako sa taong naka ranas ng hirap (kaladkaren) kesa sa iyo na may gintong kutsara na naka subo na sa bunganga.”
“Ang hirap sa inyo sanay kayo mag settle sa BAND-AID solution, meron namang pangmatagalang solution na proven and tested na ng mga progressive and least corrupt countries,” sey naman ng isa pa.
Related Chika:
Kaladkaren emosyonal nang ipakita kay Karen Davila ang bagong bahay: Kung hindi po dahil sa inyo, hindi ko ito makukuha
Kaladkaren sinagot ang tanong ng netizen na, ‘May p*k* na po ba kayo?’
KaladKaren nakasaksi ng ‘kaguluhan’ sa isang bar sa QC: Kapag may inuman, may bugbugan
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.