Toni, Mariel, Karla matuloy kaya sa pagkakaroon ng talk show sa AMBS 2?
MAY nagtanong sa amin kung sure ng magkakasama sina Toni Gonzalaga, Karla Estrada at Mariel Rodriguez sa nabalitang show sa Advance Media Broadcasting System o AMBS 2 na itatapat sa programang “Magandang Buhay” sa Kapamiya network?
Si Karla ay nag-resign sa MB bilang isa sa host kasama sina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros nang kumandidato siya sa Tingog Party List na isa sa bumoto para ipasara ang ABS-CBN.
Si Regine Velasquez-Alcasid ang humalili kay Karla sa Magandang Buhay.
May tinanungan kami tungkol dito, “possible na may show nga sina Toni, Karla at Mariel since nagkita-kita ‘yung tatlo na, para saan? Hindi naman grupo nina Mariel at Toni si Karla, so, alam mo na bonding-bonding?”
Ito naman ang pinarating namin sa mga nagtanong sa amin.
“Wala nang mang-o-okray kay Melai. Kawawa nga si Melai laging ino-okray ni Karla. Hindi naman ma-okray ni Karla si Jolina, si Melai lang talaga.
“E, kung magkakasama sila nina Toni at Mariel, e, hindi wala siyang mao-okray dahil wala siyang panama kay Mariel na sobrang gamay na niya ang hosting, lalo’t nagla-live selling at may YT channel pa, kaya pag inokray siya ni Karla, for sure sasagot siya. Saka asawa niya senador ‘no, kahit pa close sila ni Robin dahil pamangkin nito si Daniel (Padilla) na tatay si Rommel (Padilla).
“For sure hindi rin ma-o-okray ni Karla si Toni, alam mo na, ninong niya si PBBM saka si Toni ang reyna sa AMBS ‘no?”
Grabe, ang layo-layo na ng imahinasyon ng aming mga kausap. Pero for sure may mga biruan pa ring mangyayari dahil boring naman ang show kung seryoso silang tatlo. Baka nga sina Mariel at Karla ang babangka lagi at si Toni ay makikinig at tatawa lang.
At dahil pumirma na rin ang asawa ni Toni sa AMBS 2 na si Direk Paul Soriano ay posibleng siya ang mag-direk ng programa nito.
Well, let’s wait and see na lang sa Oktubre na launching ng AMBS 2.
View this post on Instagram
* * *
Kasisimula pa lamang ng BER months dito sa Pilipinas pero ramdam na ramdam na ang Pasko dahil back to back na kantawanan at kaSINGyahan ang hatid ng “Sing Galing” ng TV5. Maraming pa-sorpresa at pa-premyo ang hatid ng programa para sa mga kaawit-bahay ngayong Setyembre kaya’t dapat itong abangan.
Engrande ang maagang salubong sa Pasko ng “Sing Galing” dahil ipagdiriwang nila ang kaarawan ng nag-iisang Chief Sing-patiko, ang Jukeboss na si Ariel Rivera. At sa wakas ay makakasama na sa rin pakikipag-kantawanan sa “Sing Galing” Studio ang mga Kaawitbahay. Masisilayan na rin ng lahat ang TikTok superstars na magiging bagong Singtokers, kasama sina Mark Daniel, Yanyan de Jesus at Gab Pascual – ang mga gwapong online sensations na magdadagdag-kilig sa “Sing Galing” stage.
Pasabog din ang pagbabalik ng mga wildcard contestants na makikipag-Sing Galingan sa Sing Backbackan round. Ilan sa mga dating Singtestants ang papalaring bumalik para maging Singbacker at sila ay lalaban muli para sa pagkakataong maging Bida-Oke Star o mag-uwi ng siguradong premyo.
Makakatapat ng Singbacker ang dalawang bagong singtestant at haharap din siya sa panibagong hamon ng kompetisyon, ang KANTA o KABAN! Bago i-announce kung sino ang kantanggal, papipiliin ang Singbacker kung magpapatuloy ba siya sa laban o pipiliing hanapin ang swerte sa kaban.
Kaya naman maghanda na sa pinaka-exciting at nakatutuwang back to back to back happenings sa “Sing Galing” tuwing Lunes, Martes at Huwebes ng 6:30pm sa TV5. Mapapanood naman ito ng international Kaawitbahays via TFC. Patuloy din ang kiddie invasion every Saturday ng 6:30pm sa Sing Galing Kids, also on TV5.
Related Chika:
Toni, Mariel, Karla nagkita-kita, magkaka-talk show nga ba sa AMBS?
Karla Estrada umalma sa post ng netizen, ipinagtanggol si VP Leni
Karla Estrada lumaki na raw ang ulo, hindi na nakakaalala sa mga tumulong sa kanya noon?
Toni Gonzaga pumirma na sa AMBS 2: I’m so happy to be part of your family!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.