Banat ni Janno sa basher na nagsabing wala na siyang energy: Basa-basa rin ‘pag may time
PINUNTIRYA na naman ng mga bashers ang singer-actor na si Janno Gibbs sa social media.
May mga netizens kasi ang nakapansin sa kanyang video na in-upload sa Instagram account kung saan naglalaro siya ng badminton.
“Warm up before the games. Let’s do this,” saad ni Janno sa caption ng kanyang IG post.
View this post on Instagram
Makalipas ng ilang oras matapos niya i-upload ang video ay nagsidatingan na ang mga bashers na todo pansin sa kanyang video.
“Ubos na yata energy. Ganun talaga pag 50+ na,” comment ng isang netizen sa kanyang post.
Agad naman itong pinalagayan ni Janno at sinabing dapat raw ay magbasa ang netizen.
“Basahin mo kasi nakasulat. ‘Warm up’ lang yan. Ganun talaga pag tanga,” saad ng aktor.
May mga netizens rin na ipinagtanggol si Janno laban sa mga bashers.
“Kaya bagsak ang mga Pilipino sa reading comprehension. Nakakabasa pero hindi iniintindi binabasa. Yung iba gusto lang magBASHa,” comment ng isang netizen.
Chika naman ng isa, “So kuys ito pala yung sinasabi nila hahahaha sana pala sumayaw ka habang nagbabadminton para makita nila hyper ka hahaha.”
“Ito pala un Sir Janno warm up pa lang yan? Parang wala ngang kagana gana pero walang sablay oh! Paano pag ginalingan pa?! Ang dami talagang inggitera bida bida ngyon noh?” hirit naman ng isa.
Muli namang nag-post ang singera-actor at nagbigay mensahe sa mga bashers na ayaw siyang tantanan.
“Sa mga comments na parang tamad ako maglaro ng badminton sa video… Pakibasa po ang caption,” sey ni Janno.
“‘Warm up’ lang po yan before the actual games. Kumbaga palo palo lang. Basa basa rin pag may time,” dagdag pa niya.
View this post on Instagram
Related Chika:
Janno Gibbs sinagot ang basher: Kay Leni na lang ba umiikot ang mundo?
Kris Aquino pinayuhang wag tumakbong vice-president sa 2022: Senador at congresswoman na lang!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.