Heaven Peralejo sa mga nagkakaroon ng breakouts: Acne is nothing to be ashamed of
MAY paalala ang aktres na si Heaven Peralejo para sa mga taong nababahala sa mga nakaka-experience ng breakouts.
Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang kanyang mga larawan kung saan nagdaan siya sa pagkakaroon ng breakout kalakip ng kwento na kahit siya na isang artista ay nakaranas rin ng ganitong phase sa kanyang buhay.
“Just a daily reminder that having acne is nothing to be ashamed of!” umpisa ni Heaven.
Pagpapatuloy niya, “I’ve struggled battling with acne for so many years. I had a hard time accepting my skin because it just got worse to the point that it also affects my body weight.”
View this post on Instagram
Ani Heaven, takot na takot daw siya noon na mahusgahan ng mga tao lalo na sa industriyang kinabibilangan niya.
Ngunit na-realize niya na ang problema ay wala sa kanya kundi sa mga taong bumabatikos at pumupuna sa kanyw.
“I am aware of my flaws and I embrace them. Never let anyone make you feel bad about yourself because of normal things! Love yourself and take care of yourself,” sey ni Heaven.
Sabi pa niya, lahat naman raw ay dumadaan sa pagkakaroon ng breakouts kaya unreasonable na iparamdam sa tao ang isang bagay lalo na kung isa na ito sa kanilang insecurities.
“Believe me, I’ve experienced worse but I never had the confidence to accept it not until now,” amin ni Heaven.
“I don’t even know why I have to explain myself but it’s just so ridiculous that even the size of my acne is being bashed by some,” dagdag pa niya.
Madami naman ang naka-relate sa post ni Heaven.
“me too Ms heaven nag struggled din ako sa binti ko kase sobrang mabalbon the more na winawax at ahitin kumakapal at once tumubo na magkakasagut sa sobrang kati nya.Then na realized ko bat ko iispin ang ibang tao kung ano iisipin sa binti ko ma buhok ,mukhang lalake so who cares ..kaya eembrace ko nlang ang flaws ko bahala sila,” saad ng isang netizen.
Comment pa ng isa, “Same!! Acne was such a struggle, but it made me stronger. Happy you found your peace.”
Related Chika:
Heaven umaming naging ‘rollercoaster’ ang buhay: I’m in the phase of loving myself
Heaven Peralejo natuto sa ‘science’ dahil sa mga bashers
2021 ni Heaven Peralejo magkahalong luha at tagumpay; malaki ang utang na loob sa Siargao
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.