RR Enriquez sa relasyon nina Ruru Madrid at Bianca Umali: Four years yet no label? | Bandera

RR Enriquez sa relasyon nina Ruru Madrid at Bianca Umali: Four years yet no label?

Therese Arceo |August 24,2022
facebook
share this

RR Enriquez sa relasyon nina Ruru Madrid at Bianca Umali: Four years yet no label?

Therese Arceo - August 24, 2022 - 05:24 PM

RR Enriquez sa relasyon nina Ruru Madrid at Bianca Umali: Four years yet no label?
DIRETSAHAN at walang patumpik tumpik na nakisawsaw si RR Enriquez sa kung anuman ang namamagitan sa Kapuso stars na sina Ruru Madrid at Bianca Umali.

Sa kanyang Instagram post ay ibinahagi niya ang isang pubmat mula sa isang news article kung saan nakasaad na apat na taon nang “dating” ang dalawa pero hindi pa rin mag-dyowa.

“Gusto ko ito sawsawan at gigil ako,” panimula ni RR.

Halata na takang-taka ito at hindi makapaniwala na umabot na ng ilang taon ang pagde-date nina Ruru at Bianca pero wala rin silang label.

“Four years and yet No Label?? Gurl if totoo man yan you should know your worth,” saad ni RR.

Aniya, kung sandaling panahon pa lang daw like 6 months ay matatanggap pa niya dahil sa ganoong paraan daw sila nagsimula ng kanyang partner.

“Pero after 6months of dating Aba teka do you want it to be official or official na kita kakalimutan,” sey pa ni RR.

Dagdag pa niya, “4 years is too long para hindi nyo pa din malagyan ng label yan.”

Nagbiro pa nga si RR at sinabing, “Buti pa yung t-back na nabili ko sa Tyangge Bangkok Thailand last week may label kahit chipangga.”

Maging ang ilan sa mga netizens ay agree sa point ng Queen Sawsawerra.

“4 years walang label?? Di naman ako papayag doon. 4 years na ewan ung relationship nyo haha back to friend na lang siguro tayo,” saad ng isang netizen.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by B (@bianxa)

Pagkontra naman ng isa, “Baka naman po choice ni girl na wala silang label kasi even sa mga appearances at guestings ni gurl on tv hindi niya inaamin or even proud to say na she’s dating him. Kasi mukha g mas submissive si boy kay girl. Just my thoughts.”

Mukhang marami pang bala at nais sabihin si RR pero may iba pa siyang plano at ito ay ang pagkakaroon ng sariling YouTube channel.

“Ok madami pa ako sasabihin pero sa new Sawsawera Vlog show ko na sasabihin,” chika ni RR.

Pagpapatuloy niya, “Yes you heard me right! After one year of being SAWSAWERA I decided na gawin na itong vlog show. Since indemand tayo ngayon.”

At tuluyan na ngang maglalabas ng pilot episode si RR at pinag-iisipan niya kung Friday o Saturday niya ito ilalabas.

Base sa comment section ay marami ang excited sa pagkakaroon niya ng sariling YouTube channel.

“More sawsawan to come,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Gawin mo yang vlog mo sawsawera at ako’y manonood.”

Related Chika:
AC Bonifacio nape-pressure bilang unang artist ng Star Magic Records

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maris, Rico pabor sa paglalagay ng ‘label’ sa relasyon: Tama lang na alam n’yo kung ano ba talaga kayo

RR Enriquez sa bashers: Pakialam ko sa inyo! Basta masaya ako sa ginagawa ko!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending