Maris, Rico pabor sa paglalagay ng 'label' sa relasyon: Tama lang na alam n'yo kung ano ba talaga kayo | Bandera

Maris, Rico pabor sa paglalagay ng ‘label’ sa relasyon: Tama lang na alam n’yo kung ano ba talaga kayo

Ervin Santiago |February 07,2022
facebook
share this

Maris, Rico pabor sa paglalagay ng ‘label’ sa relasyon: Tama lang na alam n’yo kung ano ba talaga kayo

Ervin Santiago - February 07, 2022 - 09:32 AM

Maris Racal at Rico Blanco

NANINIWALA at payag ba kayo na dapat laging may “label” ang isang relasyon? Kapag ba sweet na sweet sa iyo ang tao, ibig sabihin may gusto na siya sa ‘yo, o baka naman assuming ka lang?

Isa yan sa mga naitanong sa showbiz couple na sina Maris Racal at Rico Blanco sa online presscon ng bagong iWantTFC original series na “The Goodbye Girl” kung saan first time silang magtatambal at  aakting sa harap ng camera.

Ang kahalagahan ng “MU” o “malinaw na usapan” sa pagitan ng dalawang taong nagkakamabutihan ang isang issue na tatalakayin sa “The Goodbye Girl.”

Ayon kay Maris, naniniwala siya na karapatan ng sinumang naiipit sa ganitong sitwasyon na tanungin o linawin ang “label” ng kanyang partner para walang pagsisihan sa ending.

“Kapag marami ka nang nakikita na signals and marami na siyang naipakita sa ‘yo na gesture, kapag sweet siya, kapag parang boyfriend siya, I think that’s when you ask. Tama lang din na alam mo kung saan kayo,” paliwanag na Kapamilya youngstar. 

Sumang-ayon naman si Rico sa kanyang girlfriend at ipinagdiinan ang kahalagahan ng communication sa bawat relasyon, may label man o wala.

“More important than the label is kung ano ‘yung usapan niyong dalawa. Kasi minsan merong mag-boyfriend-girlfriend pero even du’n sa label na ‘yun, ano ba ‘yung usapan nyo?” sabi pa ng OPM icon.

View this post on Instagram

A post shared by Maris Racal (@mariesteller)


Samantala, medyo nawirduhan  naman si Maris nang magkasama sila ni Rico sa kanilang first acting project pero mabilis din naman siyang nakapag-adjust.

“At first, it felt really strange working with Rico dito sa same set. Kasi sanay ako sa kanya as him and hindi ako sanay na umaarte siya ng ibang tao. Hindi ko ‘to boyfriend,” pahayag ni Maris.

Dagdag pa ng dalaga, “Kaya pala ang saya ng mag-jowa ‘pag nasa set sila kasi masaya. Nandyan ‘yung boyfriend nila. Ganito pala kasaya ‘yun! Finally meron na kong ka-eksena na boyfriend ko. That makes me really happy.”

Para naman kay Rico, “I was excited kasi curious. We’ve always watched film, series together and we’re both serious when it comes to craft.

“Nag-uusap kami kung ano tingin mo. Na-excite ako na now we’re gonna be able to work together,” pahabol pa ng singer-songwriter na huling napanood as an actor sa ABS-CBN series na “Immortal” noong 2010. 

“Kinakabahan nga ako nu’ng start kasi baka nagbago na. Nagbago na ba ‘yung language sa set. I’m sure ‘yung technology nagbago na.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“It’s good to be back. It’s good to be part of creating visuals and acting. I’m not ashamed na all these years talaga, I love to act,” dagdag pa ni Rico na umaasang masusundan pa ang acting projects nila ng girlfriend.

Si Maris Racal nga ba ang nagparamdam kay Rico Blanco?

Rico nagpakilig sa pagbati kay Maris: Happy birthday Madam! Love you so much po!

Barbie sweet na sweet na binati si Diego sa kanyang kaarawan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending