Netizens dismayado kay Jeric Gonzales sa 'Start Up': Nam Do San n'yo stressed na agad | Bandera

Netizens dismayado kay Jeric Gonzales sa ‘Start Up’: Nam Do San n’yo stressed na agad

Therese Arceo |August 23,2022
facebook
share this

Netizens dismayado kay Jeric Gonzales sa ‘Start Up’: Nam Do San n’yo stressed na agad

Therese Arceo - August 23, 2022 - 08:46 PM

Netizens dismayado kay Jeric Gonzales sa 'Start Up': Nam Do San n'yo stressed na agad
HINDI aprub sa nga netizens lalo na sa mga Pinoy K-drama fans ang pagganap ni Jeric Gonzales bilang Nam Do San sa Filipino adaptation ng “Start Up”.

May mga lumabas nang balita kamakailan kung saan ang aktor nga ang gaganap sa isa sa mga main characters ng hit series noong 2020 na napanood sa Netflix kasama sina Bea Alonzo, Alden Richards, at Yasmien Kurdi.

May mga larawan na ring lumabas sa social media kung saan ipinagkumpara si Jeric maging ang Korean star na si Nam Jho-Hyuk.

May mga netizens na nagsasabi ng kanilang pagkadiaya sa aktor.

“Palitan niyo ‘to sinasabi ko na, isa!” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Nam Do San niyo stressed na agad nagsisimula pa lang.”

“Plot twist na hindi naming gusto,” hirit naman ng isa.

May mga netizens rin naman na nagtanggol kay Jeric at sinabing baka raw may plot twist ang Pinoy remake ng Korean drama.

“They [are] just trying their best naman po sana wag agad tayo mag-judge kung bakit sila yung napili sa role at ‘di nakuha expectations niyo,” sey ng isang netizen.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jeric Gonzales (@jericgonzales07)

Sabi naman ng isa, “I was confused on the remake,so since Alden played the role of the second lead, sa Philippine adaptation iibahin nila kung sino makakatuluyan ng FL?”

“Bagay rin naman sa kanya yung role haha, yaan na yan,” dagdag naman ng isa.

Matatandaang nitong Huwebes nang ipasilip ng GMA-7 ang teaser ng Pinoy “Start Up” kung saan makikita sina Bea at Alden.

Sa katunayan, uploaded rin ang naturang teaser sa Instagram account ni Bea at base na rin sa Kapuso network ay mapapanood na ang K-Drama sa darating na Setyembre.

Wala namang pahayag si Jeric maging ang GMA Network hinggil dito.

Related Chika:
Jeric Gonzales nagbura ng mga pictures sa Instagram, hiwalay na kay Rabiya?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jeric Gonzales feeling super lucky nang maging dyowa si Rabiya Mateo; may pinatunayan sa mga laiterang basher

Bea Alonzo, Alden Richards bibida sa Filipino adaptation ng hit KDrama ‘Start Up’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending