Cristy Fermin hindi na nagtaka sa bashers ni Kuya Kim: Mahilig siyang makisali | Bandera

Cristy Fermin hindi na nagtaka sa bashers ni Kuya Kim: Mahilig siyang makisali

Therese Arceo - August 19, 2022 - 03:07 PM

Cristy Fermin hindi na nagtaka sa bashers ni Kuya Kim: Mahilig siyang makisali

NAGBIGAY komento ang kolumnistang si Cristy Fermin patungkol sa madalas na pambabatikos sa Kapuso TV personality na si Kim Atienza.

Isa kasi ang Kapuso sa mga naging topic sa YouTube vlog nitong “Showbiz Now Na” kasama sina Morly Alinio at Wendell Alvarez.

Ani Nay Cristy, nabansagan na raw bilang sawsawero si Kuya Kim dahil sa madalas na pakikialam sa mga nagiging issue kamakailan.

“Ito naman kasing si Kuya Kim, ang linya niya ay mga hayop. Para siyang beterinaryo na binibigyan tayo ng interpretasyon sa mga hayop… E ba’t nakikisali siya sa mga isyu. Nakikisawsaw. Gusto ba niyang maging talk show host?” umpisa ng kolumnista.

Pagpapatuloy ni ‘Nay Cristy, “Napakasasakit ng mga salitang ipinupukol sa kanya dahil hindi raw malaman kung ano ba talaga ang gusto ni Kuya Kim sa buhay niya.”

Matatandaang nitong mga nagdaang araw ay panay na ang natatanggap na batikos ng TV personality lalo na noong itinalaga ito bilang “dean” ng isang satire page na International State College of the Philippines.

Una ay nagbigay babala siya sa madlang pipol na scam ito ngunit nang i-call out siya at sabihing hindi nag-eexist ang naturang paaralan at gawa gawa lamang ito ay nakisali na rin siya at nakipag kulitan sa mga netizens.

Ngunit marami na rin siguro ang nakapansin at sinabing OA na ang TV personality.

View this post on Instagram

A post shared by Kuya Kim (@kuyakim_atienza)

Dumating pa nga sa punto na pinagreresign na siya ng basher sa GMA dahil ayaw na raw siya nitong mapanood.

“Kasi nga mahilig siyang makisali. Ano ba talagang linya ang gusto ni kuya Kim?” lahad ni ‘Nay Cristy.

Chika ni Morly, marahil ay nais lamang nito na mag-share ng knowledge sa isang isyu kaya ito nakikisawsaw.

Pero kung para raw sa popularidad ang dahilan ng kanyang pakikisali ay maling-mali raw ito.

Kaya naman pinayuhan na lang ni ‘Nay Cristy su Kuya Kim na iwasan na lang ang pakikialam sa ibang bagay at manatilo na lang sa kung anong linya siya magaling.

“Huwag na tayong makisali. Doon nalang tayo sa linya natin… Para maiwasan ang mga bashing, huwag nang makialam,” sey niya.

Related Chika:
Kuya Kim pinagre-resign ng basher sa GMA 7: I don’t want to see you on TV anymore!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Cristy Fermin binatikos si Vice: Hindi tayo pumapasok ng simbahan para manglait

Cristy bumuwelta kay Barbie: Wala ka pang karapatang tawaging ‘mistress’ ang sinuman

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending