Kuya Kim pinagre-resign ng basher sa GMA 7: I don't want to see you on TV anymore! | Bandera

Kuya Kim pinagre-resign ng basher sa GMA 7: I don’t want to see you on TV anymore!

Ervin Santiago - August 15, 2022 - 10:11 AM

Kim Atienza

HINDI pinalampas ng Kapuso TV host na si Kim Atienza ang panawagan ng isang basher na mag-resign na siya sa mga programa niya sa GMA 7.

Ayon sa nasabing netizen, ayaw na raw niyang makita at napanood si Kuya Kim sa telebisyon. Hindi naman nagbigay ng mga rason kung bakit tila galit na galit siya sa TV host at tinaguriang Trivia King.

Sabi ng hater sa Kapuso host sa kanyang Twitter post na may handle name na @lemonjohr, “Resign Kuya Kim. I dont want to see you on TV anymore.”

Base sa thread ng post, ito ay reply sa tweet ni @AltABSCBN na, “Just answer the question, @kuyakim_atienza. Or just refute the allegation.”

View this post on Instagram

A post shared by Kuya Kim (@kuyakim_atienza)


Kalakip nito ang dalawang screenshots, ang una ay tweet ng isang Ryan Baldomino Acobera na nagtanong ng, “Kakampink ba si Kuya Kim?” Na sinagot naman ng isang Iya Gorospe ng, “No po. Apologist siya.”

Sa ikalawang screenshot naman ay sumagot si Kuya Kim ng, “Iya Gorospe, huwag ninyong pasukan ng pulitika ang class ko. Pag itinuloy ninyo iyan, magre-resign ako. OK? Malinaw iyan.”

Nag-ugat ang kanilang pagsasagutan nang mag-trending ang International State College of the Philippines o ISCP dahil sa viral satire posts nito.

May isa namang nag-post na si Kuya Kim daw ang “dean” ng university kaya naman nag-issue si Kuya Kim ng statement at sinabing scam daw ang post ng ISCP.

At nito nga lang nagdaang weekend, seryosong sinagot ng TV host ang panawagang mag-resign na siya sa kanyang mga programa “May remote control naman. I don’t have to resign, just change channels. Be safe.”

Sa isa pa niyang post kahapon, August 14, pinaalalahanan din niya ang mga netizens na maging maingat at sensitibo sa mga ipino-post at pagko-comment sa socmed.

“Twitter can be a beautiful place for everyone regardless of political affiliation or network preference. Love and respect to everyone,” pahayag ni Kuya Kim.

Sinagot din niya ang netizen na nagtanong ng, “Who are you to deserve this much attention? Do you matter in Phil problems and solutions?” Sey ni Kuya Kim, “Oh you don’t have to mind me. Just ignore my posts or you can block me. Be well.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/298385/kuya-kim-may-swabeng-hirit-kay-ogie-diaz-bawal-ikampanya-ang-ama-sa-eleksyon-2022
https://bandera.inquirer.net/297785/kuya-kim-dumepensa-sa-paratang-ng-bashers-na-inokray-aniya-ang-showtime
https://bandera.inquirer.net/294384/kim-atienza-emosyonal-sa-huling-gabi-bilang-kapamilya-ang-buhay-ay-weather-weather-lang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending