Vince Tañada dismayado sa naging review ni Suzette Doctolero sa 'Katips': Hindi pamigay ang ticket namin | Bandera

Vince Tañada dismayado sa naging review ni Suzette Doctolero sa ‘Katips’: Hindi pamigay ang ticket namin

Therese Arceo |August 13,2022
facebook
share this

Vince Tañada dismayado sa naging review ni Suzette Doctolero sa ‘Katips’: Hindi pamigay ang ticket namin

Therese Arceo - August 13, 2022 - 08:21 PM

Vince Tañada dismayado sa naging review ni Suzette Doctolero sa 'Katips': Hindi pamigay ang ticket namin
HINDI makapaniwala ang award-winning writer and director na si Atty. Vince Tañada sa mga napiling salita ng GMA creative consultant na si Suzette Doctolero sa kaniyang pelikulang “Katips”.

Nag-post kasi si Suzette sa kanyang Facebook account kung saan inihayag niya ang kanyang saloobin ukol sa pelikula.

“Sorry, hindi ko na talaga kinaya kasi confused yata ang filmmaker kung ano ang gusto niyang ipakita dito sa movie kaya parang nags*ls*l na hindi yata nilabasan. So ‘di ko alam kung gumanda ba nung second half? O confused pa rin. Haha. Panoorin n’yo pa rin at kayo ang maghusga,” saad ni Suzette sa pelikula ni Direk Vince.

Agad naman itong nakarating sa direktor ng “Katips” at hindi nga niya nagustuhan ang mga sinabi ng GMA creative consultant.

“Nakakalungkot lang na sa babae pa nanggaling ‘yong ganyang mga salita. Yun na nga, kaya siguro ‘di ka nilabasan kasi ‘di mo tinapos yung palabas,” saad ni Direk Vince.

Sa kabila naman ng mga sinabi ni Suzette ay nagpasalamat pa rin ang direktor sa panonood nito ng kanilang pelikula dahil patunay ito na bumili siya at hindi “pamigay” ang tiket ng “Katips”.

“Pero, salamat sa pagbili ng ticket ha, at least ngayon alam mo nang binibili at hindi pamigay ang ticket namin,” sey ni Direk Vince.

Matatandaang ipinagtanggol noon ni Suzette ang “Maid in Malacañang” ni Darryl Yap laban sa mga diumano’y bumabatikos sa pelikula ukol sa historical distortion.

Sey niya, ang pelikula raw ni Direk Vince ang “mas maraming ginawang distortion” base kay Suzette kesa sa tinapatan nitong pelikula na ipinalabas sa sinehan noong Agosto 3.

Maging ang si Johnrey Rivas na isa sa mga cast ng “Katips” ay hindi napigilan na magbigay ng saloobin ukol sa sinabi ng manunulat.

“Dapat kasi yung kuwento kabit-kabitan ng asawa, nagbabarilan ng water gun o nagse-surfing sa likod ng buwaya para di confusing,” sey niya.

Tulad ni Direk Vince na nanalo sa nagdaang 70th FAMAS bilang Best Actor at Best Direktor, wagi rin si Johnrey bilang Best Supporting Actor para sa pelikulang “Katips”.

Related Chika:
Hirit ni Vince Tañada, hindi anti-Marcos o pro-Aquino ang ‘Katips’: This is about the experience of ordinary Filipino

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Suzette Doctolero naging instant fan ni Andrea: Hindi lang siya katawan, may puso, talino at husay ang babae!

Vince Tañada balak kasuhan si Juliana Parizcova: Hindi naman siya kasali

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending