Loisa Andalio may hugot sa 'solo travelling', netizens napa-react

Loisa Andalio may hugot sa ‘solo travelling’, netizens napa-react

Therese Arceo - May 23, 2024 - 08:43 PM

Loisa Andalio may hugot sa 'solo travelling', netizens napa-react

NAGLABAS ang Kapamilya actress na si Loisa Andalio ng kanyang opinyon patungkol sa pagso-solo travel.

Sa isang panayam kasi ng dalaga ay
nausisa ito kung ano ang kanyang pahayag hinggil sa pagso-solo travel.

Sinabi kasi ni Loisa na para sa kanya ay mas prefer niya pa rin ang gumala ng may kasama lalo na kung taong mahal niya.

“Siyempre mas naa-appreciate natin ‘yong napupuntahan natin kapag mahal natin ‘yong kasama natin. Gumaganda rin ‘yong view dahil sa kasama natin,” pagbabahagi ni Loisa.

Aniya, bagama’t aware siya na therapeutic para ang ganitong gawin para sa kanya ay mas na-aapreciate niya ang lugar kasama ang mahal sa buhay.

Baka Bet Mo: Loisa Andalio pangarap magkaroon ng fantaserye: ‘Favorite ko talaga yung ‘Lobo’ ni Angel Locsin’

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Aminado rin si Loisa na hindi niya nage-gets ang mga taong nagta-travel mag-isa.

“Minsan kasi, ang ano lang, hindi ko maintindihan ‘yong mga tao na nagsosolo travel— parang ang lungkot. Kasi, sino ‘yong kabatuhan mo na ‘Ang ganda ng view’? Grabe ‘yong pinagdadaanan talaga siguro nila para gusto nilang magiging solo na lang,” sey pa ng dalaga.

Agad namang umani ng samu’t saring reaksyon mula sa madlang netizens ang mga naging pahayag ni Loisa ukol sa pag-alis mag-isa.

“Masaya kaya ang solo traveling kasi ikaw lang ang iintindi sa sarili mo at sa gusto mong puntahan,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Parang may hinanakit sa mga solo traveler ah? Mas okay nga ‘yong solo wala hantayan na mangyayari lalo na kapag may mga lakad kayo as a group.”

“Tama rin naman, kaya lang, try mo mag-solo travel para mas maintindihan mo,” hirit naman ng isa.

“Bakit mo poproblemahin kaming solo traveler? Kami nga walang problema. Happy to travel solo,” sabi pa ng isa kay Loisa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maging ang GMA headwriter na si Suzette Doctolero ay napa-react sa pahayag ng Kapamilya star.

“Ay, mahina ka palang nilalang, e! Char! [laughing emoji]” saad nito sa kanyang shared post.

Samantala, wala pa namang sagot si Loisa sa mga naging reaksyon ng madlang pipol sa kanyang opinyon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending