Vince Tañada balak kasuhan si Juliana Parizcova: Hindi naman siya kasali Bandera

Vince Tañada balak kasuhan si Juliana Parizcova: Hindi naman siya kasali

Therese Arceo |August 04,2022
share this

Vince Tañada balak kasuhan si Juliana Parizcova: Hindi naman siya kasali

Therese Arceo August 04, 2022 - 01:52 PM

Vince Tañada balak kasuhan si Juliana Parizcova: Hindi naman siya kasali
PINAG-IISIPAN ng award-winning writer and director na si Vince Tañada na kasuhan ang komedyanteng si Juliana Parizcova Segovia.

Ito ay dahil sa mga malisyosong mga posts nito sa social media ukol sa direktor at sa pelikula nitong “Katips” na talaga namang humakot ng parangal sa nagdaang 70th FAMAS Awards.

Matatandaang nag-post kamakailan si Juliana na babatiin sana niya si Direk Vince dahil sa mga nakuha nitong awards ngunit pinag-iisipan pa niya.

Babatiin ko na sana yung humakot daw ng awards sa FAMAS at pelikulang pa-victim na kunwari tinatapangan para itapat sa Maid in Malacañang, kaso andaming resibo. Sige na nga… Congrats Haahahaha!” saad ni Juliana sa kanyang Facebook post.

Sinabi rin ng komedyante na malapit si Direk Vince sa mga taga-FAMAS dahil siya ang naging direktor ng FAMAS last year.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Juliana Parizcova Segovia (@juliana_parizcova)

At inamin nga ng direktor ng “Katips” na hindi niya nagustuhan ang mga sinasabi ni Juliana laban sa kanya sa panayam niya sa DZRH.

“Sana naman po, huwag po tayong mamihasa na hindi totoo lagi yung mga binabalita,” saad ni Direk Vince.

Pagpapatuloy niya, “Kasi, iyan na po tayo nagiging kultura na po tayo ng fake news. Lalung-lalo na po yung mga nagpapakalat ay meron na po talagang imahe na puro peke ang mga ikinakalat na mga balita. Sana po, magkaroon na po ng aral yung mga nagpapakalat na ‘yan.”

Aniya, nakausap na rin niya ang kanyang partner sa law firm at sinabing libelous ang mga ginagawa ni Juliana.

“In fact, nakikipag-usap na po ako ngayon sa aking… kasi alam niyo naman po na ako ay abogado din. At ang sabi ng aking mga partner dito sa aking law firm, yung ipinalabas na post nitong dating nanalo sa Ms. Q&A na si Juliana ay totoong libelous, ano,” lahad ni Direk Vince.

Sey pa niya, “Talagang ito ay may malicious imputation para makapanira, na hindi naman talaga maganda, ‘no? Dahil ang libel ay isang krimen na dapat parusahan.”

Sa ngayon ay nag-uusap na rin sila sa mga susunod na pwedeng hakbang dahil hindi pa rin tumitigil ang komedyante sa kanyang mga ginagawa.

“Itong si Juliana ay nagtataka ako, wala naman siyang… hindi naman siya kasali sa pelikulang Maid in Malacañang, pero nakikialam siya at nagsasalita sa mga ganitong bagay,” hirit pa ni Direk Vince.

Hindi naman kasi kasali si Juliana sa cast ng pelikulang “Maid in Malacañang” ngunit panay ang banat nito sa kampo ng direktor at sa pelikulang “Katips”.

Marahil ay dahil na rin sa koneksyon niya sa direktor na si Darryl Yap kaya maraming nasasabi ang komedyante lalo na’t direktang inamin ni Direk Vince na talagang pinlano niyang tapatan ang “Maid in Malacañang”.

Related Chika:
Hirit ni Vince Tañada, hindi anti-Marcos o pro-Aquino ang ‘Katips’: This is about the experience of ordinary Filipino

Vince Tañada inilaban na mapanood sa mas maraming sinehan ang ‘Katips’

Vince Tañada tatapatan ng ‘Katips’ ang ‘Maid in Malacañang’ ni Darryl Yap

Martial Law movie na ‘Katips’ humakot ng trophy sa FAMAS 2022; Vince Tañada tinuhog ang best actor at best director awards

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending