Vince Tañada tatapatan ng 'Katips' ang 'Maid in Malacañang' ni Darryl Yap | Bandera

Vince Tañada tatapatan ng ‘Katips’ ang ‘Maid in Malacañang’ ni Darryl Yap

Therese Arceo - July 29, 2022 - 09:11 AM

Vince Tañada tatapatan ng Katips ang 'Maid in Malacañang' ni Darryl Yap

WALANG takot na binangga ng award-winning writer and director na si Vince Tañada ng pelikulang “Katips” ang “Maid in Malacañang ni Darryl Yap na parehas ipapalabas sa Agosto 3.

Base na rin sa naging panayam sa direktor ng “Katips”, sinadya raw talaga niyang itapat ang pagpapalabas ng kanilang pelikula sa showing ng pelikulang gawa ni Darryl Yap.

“Nilabanan ko talaga yung Maid in Malacañang,” saad ni Direk Vince sa isinagawang press conference.

Aniya, tila hinahamon siya ng pelikula na diumano’y hango raw sa mga naganap sa loob ng Malacañang tatlong araw bago tuluyang napaalis sa pwesto si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

“China-challenge ako… china-challenge tayo ng Maid in Malacañang, kaya nag-react nang ganoon si Direk Joel (Lamangan). Sabi ni Direk Joel, gagawa siya ng mga pelikula, eh ito nagawa na namin,” pagpapatuloy pa ni Direk Vince.

Last year pa pala noong ginawa ang pelikulang “Katips” at sa katunayan ay isa ito sa mga nominado sa FAMAS, isang prestihiyosong award giving body.

“Sabi ko, now is the time… kasi this is about the truth… and nobody can invalidate me, my personal experience as a victim of Martial Law,” pagpapatuloy ni Direk Vince.

Aniya, marami raw mga bumabatikos sa kanya at nagtatanong kung na-experience nga ba niya angbuhay noong kasagsagan ng Martial Law.

“Ang daming bashers kung na-experience ko raw ang Martial Law when I was born in 1974, eh di sanggol daw ako noong nakulong. Hindi lang naman po dapat makulong para ma-experience mo ang horrors of ML. I was a child when my grandfather was incarcerated,” pagbabahagi ni Direk Vince.

Dagdag pa niya, “Masakit po bilang bata ang maranasan ito lalo’t alam mong nakipaglaban lang si Senador Lorenzo Tañada para sa katotohanan. Paki-research na lang po ang buhay n’ya.”

Aminado rin si Direk Vince na maaari silang malugi sa pagtapat sa “Maid in Malacañang” dahil kaunti lang ang sinehan kung saan ito ipapalabas. Biglaan kasi ang naging desisyon nila na ipalabas ang pelikula at bukod dito, aware din sila na higante ang kanilang babanggaing pelikula.

“Hindi kami takot sa kalalabasan ng pelikula namin dahil simple lang ang kuwento nito — tungkol sa mga simpleng tao na nabubuhay noon. Wala kaming mga clip sa YouTube o kung anuman,” sey pa ni Direk Vince.

Sina Jerome Ponce, Mon Confiado, Johnrey Rivas, Lou Veloso, Nicole Laurel Asensio, Adelle Ibarrientos ang mga bibida sa pelikulang “Katips: Ang Mga Bagong Katipunero”.

Kuwento rin ni Direk Vince, tinulungan sila ng mga historians para masiguro ang katotohanan, may hustisya at accurate sa mga pangyayari noon ang kanilang pelikula.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Aktor na nadiskubre ni Brillante Mendoza nang dahil sa 100 kutsara at 100 tinidor papalit sa trono ni Coco?

Singer-producer-director nakakatanggap ng death threats

Baron buking sa pa-throwback ni Vince Rillon: Umorder siya ng halo-halo tapos nilalagyan pala niya ng alak

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending