Baron buking sa pa-throwback ni Vince Rillon: Umorder siya ng halo-halo tapos nilalagyan pala niya ng alak Bandera

Baron buking sa pa-throwback ni Vince Rillon: Umorder siya ng halo-halo tapos nilalagyan pala niya ng alak

Ervin Santiago |May 29,2022
share this

Baron buking sa pa-throwback ni Vince Rillon: Umorder siya ng halo-halo tapos nilalagyan pala niya ng alak

Ervin Santiago May 29, 2022 - 01:17 PM

Baron Geisler, Angeli Khang at Vince Rillon

IBINUKING ng award-winning sexy actor na si Vince Rillon ang ilang “sikreto” ni Baron Geisler sa presscon ng pelikula nilang “Pusoy” under Viva Films.

Aliw na aliw ang members ng entertainment media nang magkuwento ang dalawang aktor patungkol sa mga past projects na ginawa nila pagkatapos ng special private screening ng “Pusoy” last May 25.

Hindi pala ang “Pusoy” ang unang pelikula nila together, kuwento ni Baron, “Thirteen years old pa lang si Vince, may mga ginagawa na po kami ni Direk (Brillante Mendoza) mga horror movies.

“And Vince would tag along. Parang pinag-aaral siya. Nag-aaral siyang mag-act. So, nakailang beses na rin kami.

“But this is the first time na talagang nakita kong…unang-una, bida na siya, tapos, internationally acclaimed na rin siya for his acting,” chika ni Baron.

“Actually may mga scenes na ako ang humihingi ng gabay kay Vince. Totoo, iba po ang kamay nito, kapag tumatanda po tayo, medyo bumabagal yung kamay saka isip,” sey ng aktor na 40 years old na sa darating na June 5.

“Pero si Vince, iba. Iba po ang talento nito. So, humihingi po ako ng payo sa kanya kung paano gawin yun,” dugtong pa niya.

Hirit naman ni Vince, “Ibig niya pong sabihin… tinanong ko siya kung, ‘Nalulong ka ba sa sugal?’ ‘Ever since, hindi ako nalulong sa sugal.’ Hindi daw po talaga siya nagka-casino ever since.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Baron Geisler (@baron.geisler)


“So, kada magte-take kami, kaya makikita ninyo ang baraha, hindi siya marunong humawak. Tapos nanginginig pa.

“Kaya sabi niya, ‘Vince, ayusin mo ang baraha ko!’ Du’n ko siya natutulungan sa baraha. Hindi po kasi talaga siya marunong magsugal. Yun po,” lahad ni Vince na nanalong best actor sa 19th Asian Film Festival noong Abril sa Rome, Italy para sa pelikulang “Resbak.”

In fairness, puro magagandang salita ang naibahagi ni Baron para kay Vince, “E, hindi ko naman po gusto yung ganu’n! Lagi niya akong pinupuri na, ‘Ganyan, ha! Ikaw, ang galing-galing mo! Sobrang galing mo!’ Tapos ang eksena namin, ‘Tahimik ka lang pero nakikita ko ang reaksiyon mo.’

“Sabi ko, ‘Hindi! Hindi ganu’n yun!’ sabi ko kay Kuya. ‘Huwag kang mag-alala,’ sabi ko sa kanya, ‘lamon mo ako dito! Kasi, mas intense kang umarte sa akin pero may puso!’ Sabi ko sa kanya, ‘Iba ka pa rin!’ Baron is Baron Geisler,” pahayag ng binata.

Marami na rin daw natutunan si Vince kay Baron, “Opo! Marami na po. Ayan, yung pupunta sa set, iinom, hindi ko na po ginagawa yun. Kasi, nakikita ko na po yun sa kanya.

“Dati po! Dati po! Dati po! Kaya ngayon, hindi ko na ginagawa,” pambubuking pa ng aktor kay Baron.

Reaksyon naman ni Baron, “Kaya matalino nga pong bata itong si Vince. Napakatalino po. Ito po dapat ang inyong idolohin.”

Hindi pa rin napigil si Vince sa pagbabalik-tanaw tungkol kay Baron, “Dati pong ginawa namin, mautak po siya, e. Umorder siya ng halo-halo. Akala ko talaga, halo-halo. Nilalagyan pala niya ng alak,  ng gin.

“Basta gusto niyang uminom, iinom talaga siya pero dati po iyon. Pero ngayon, ang laki po ng ipinagbago niya. Siguro po, takot lang kay Direk Brillante, hindi ko po alam,” natawang sey pa ni Vince na sinagot naman ni Baron ng, “Takot ako kay Boss Vic (del Rosario)!”

Sa pelikulang “Pusoy”, talagang hindi nagpatalbog sa hubaran at pakikipag-love scene si Baron kay Vince. Mas pasabog pa nga ang mga maiinit niyang eksena with Angeli Khang and Janelle Tee.

“Kita po naman nating lahat, pantay-pantay po yun. Feeling ko nga, mas naka-score, mas nakalamang po itong baby brother ko, e, di ba?” chika ni Baron.

“Nagkataon lang, mas marami kaming laman na ipinakita. Mas marami akong laman na ipinakita, ‘no?” dagdag ng magaling na aktor at kontrabida.

Sey naman ni Vince, “Mas malupit po yung mga sex scenes ni Baron. Kasi po, talagang kain kung kain, e! Hindi man lang tinanong kung naghugas muna ng paa yung ano, di ba? Ako po, hindi ko pa po nagagawa yun.”

Kasama rin sa “Pusoy” sina Julio Diaz, Kiko Matos, Raquel Monteza, at Jacq Yu, na isinulat at idinirek ni Phil Giordano, at nilikha ni Brillante Mendoza.
Streaming na ngayon ang “Pusoy” sa Vivamax.

Baron kung anu-anong posisyon sa pakikipag-sex ang ginawa sa ‘Pusoy’: Sana hindi kayo nandiri sa katawan ko kahit 40 na ‘ko!

Sexy actor Vince Rillon nakipagchurvahan sa 4 na palabang sexy star sa erotic trilogy na ‘L’

Angeli Khang gustong makaipon para sa pamilya, hindi bet humingi sa milyonaryong tatay

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending