Aktor na nadiskubre ni Brillante Mendoza nang dahil sa 100 kutsara at 100 tinidor papalit sa trono ni Coco? | Bandera

Aktor na nadiskubre ni Brillante Mendoza nang dahil sa 100 kutsara at 100 tinidor papalit sa trono ni Coco?

Ervin Santiago |December 16,2021
facebook
share this

Aktor na nadiskubre ni Brillante Mendoza nang dahil sa 100 kutsara at 100 tinidor papalit sa trono ni Coco?

Ervin Santiago - December 16, 2021 - 08:03 AM

Christine Bermas at Vince Rillon

DIRETSAHANG inamin ng aktor na si Vince Rillon na nakilala sa mga indie movies noon, ang “mapangahas” na karanasan niya sa pakikipag-sex.

Si Vince ang lead actor sa latest sex-drama at suspense movie ng Viva Films na “Siklo” kung saan makakasama niya ang baguhan at palabang sexy star na si Christine Bermas.

At sa ginanap ngang online presscon ng pelikula kamakalawa, ay natanong ng host na si Giselle Sanchez kung ano ang pinakamapangahas na kanyang sa tunay na buhay.

“Nagkaroon ka na ba ng boyfriend na lalake?” diretsahang tanong ni Giselle. Pero hindi ito sinagot ng binata dahil ang ibinahagi niya ay ang naging experience niya noong nasa high school pa lamang siya.

“Dati, nu’ng high school kami, hindi ko makakalimutan na meron akong friend, tapos one girl, two boys. May something na nangyari. First year high school, hindi ko makakalimutan.

“Past na ‘yon, siyempre mapusok tayo noong kabataan natin. Hindi naman tayo perpekto. Lahat naman tayo, may kanya-kanyang pagkakamali,” katwiran pa ni Vince.

Alam n’yo bang wala talaga sa isip ni Vince ang pag-aartista? Aksidente lamang ang pagpasok niya sa showbiz at yan ay dahil sa  100 kutsara at 100 tinidor na naiwan ng kanyang mga kapatid na waiter sa kanilang bahay.

“Nag-aaral lang po ako. Wala po sa utak ko yung pag-aartista. Dati, dancer lang po ako, tapos tambay-tambay, siyempre, estudyante. Disgrasya lang po siguro yung nangyari kaya napapunta ako sa industriya,” pag-alala ni Vince.

View this post on Instagram

A post shared by Vince Rillon (@vince_rillon)


Mismong ang award-winning director na si Brillante Mendoza raw ang nakadiskubre sa kanya sa lugar kung saan may catering service ang dalawa niyang kapatid na waiter.

“Yung dalawang kuya ko po kasi, mga waiter, so nag-i-event-event sila sa mga party. Parang nagkaroon sila ng event with mga direktor. 

“Naiwanan ng mga kuya ko yung isangdaan na kutsara, isangdaan na tinidor. Dinala ko sa event, tapos nakita na po ako ng mga direktor,” ani Vince hanggang sa madiskubre na nga siya ni Direk Brillante.

Ang unang movie na ginawa niya ay ang isa sa mga obra ni Brillante na “Captive” na ipinalabas noong 2012.

“Ang una pong ginawa ko was Captive. Bata pa po ako, 16 years old. Hinahayaan lang niya po ako kasi alam niya bata ako, maglalaro. Yung utak ko, wala pa sa pelikula.

“Nu’ng nag-first year college na ako, du’n ko na nagustuhan yung mga ginagawa ko. Napamahal na sa akin ang pelikula kasi nagtatanong-tanong na ako sa kanya, ‘Direk, ano ang ipinagkaiba ng indie sa mainstream? Bakit may immersion tayo?'” kuwento pa niya.

Maraming nagkokomento na baka siya na raw ang susunod na Coco Martin sa showbiz na nagsimula rin sa mga indie movie at naging alaga rin noon ni Brillante.

“Coco Martin po is Coco Martin. Hindi na po mapapalitan ‘yan. Coco is Coco. Siguro ngayon, mapapalitan yung Coco Martin ng bagong henerasyon, pero hindi mapapalitan si Coco kasi Coco yun, e. Maaaring may sumunod pero hindi ko naman iniisip na ako ‘yon,” aniya pa.

Ang sexy suspense drama movie na “Siklo” ng direktor na si Roman Perez, Jr. ang isa sa bonggang pasabog ng Vivamax sa pagpasok ng Bagong Taon. Streaming na ito simula sa Jan. 7, 2022.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

View this post on Instagram

A post shared by Christine Bermas (@christinebermas_)

Kit, Albie ‘bibinyagan’ si Christine Bermas sa sex-drama spy thriller na ‘Moonlight Butterfly’

Coco hindi nakatulog kakaisip sa role ni Mega sa ‘Ang Probinsyano’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending