Julia Montes proud na proud kay Coco Martin: Saludo ako sa puso na binibigay mo sa lahat ng ginagawa mo | Bandera

Julia Montes proud na proud kay Coco Martin: Saludo ako sa puso na binibigay mo sa lahat ng ginagawa mo

Reggee Bonoan |August 13,2022
facebook
share this

Julia Montes proud na proud kay Coco Martin: Saludo ako sa puso na binibigay mo sa lahat ng ginagawa mo

Reggee Bonoan - August 13, 2022 - 11:49 AM

Julia Montes proud na proud kay Coco Martin: Saludo ako sa puso na binibigay mo sa lahat ng ginagawa moHABANG sinusulat namin ang balitang ito ay umabot na sa 84,000 likes and hearts plus 1,530 komento ang post ni Julia Montes sa kanyang Instagram na binabati nito ang ang pagtatapos ng “FPJ’S Ang Probinsyano” aksyon-serye ng rumored boyfriend niyang si Coco Martin.

Ipinost ng aktres ang larawan ni Cardo Dalisay (Coco) na kuha sa taping na may short but sweet message para sa rumored dyowa.

“Sa 7 taon na itinakbo ng Probinsyano… Isa at Ikaw ang napakalaking parte ng Success ng buong show,” panimula ni Julia.

“Sa dedikasyon , pagmamahal at sipag na binigay mo sa show , isang karangalan na mapanuod kang magtrabaho sa FPJAP… saludo ako sa puso na binibigay mo sa lahat ng ginagawa mo…

“Mula sa pangarap lang noon, ngayon naisakatuparan mo na ang pagdidirek at ang totoo ay higit pa ang binibigay at pinapakita mo… Proud na proud ako sayo!” sey ni Julia.

Dagdag pa niya, “Congratulations aming Cardo Dalisay (emoji heart).”

Pawang pagbati rin ang mga komentong nabasa namin at ang ilan sa mga ito ay:

Mula kay sa aktres na si @ana_roces, “Love the ending (emoji heart).”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Julia Montes (@montesjulia08)

Tatlong emoji hearts naman ang ibinigay ng handler ni Julia na si @macmerla.”

Siyempre hindi puwedeng wala ang loyal supporters nina Coco at Julia na @cocojuls4ever, “Congratulations sa inyong lahat! Grabe pinakilig nyo kami hanggang huli. Bawing-bawi ung sakit sa dibdib. Ang ganda mo Mara!”

Clapping hands naman ang pagbati ng aktres na si @teresaloyzaga

Siyempre bumati rin si @therealaramina na gumanap bilang si Ellen Padua na asawa ni Sec Arturo Padua played by Tirso Cruz lll ng anim na emojis hearts.

Say ng aktres na si @d_laurel, “Y’all are amazing!!!! Congratulations!!! Grabe ka direc!!!!”

Actuallt marami pang iba at sabi ng netizens, “tama ikaw ang huling pag-ibig ni Cardo Dalisay.”

Samantala, binati rin si Julia ng management company niya, ang Cornerstone Entertainment.

Ipinost nito ang video ng ending ng FPJAP kung saan nagkita sina Cardo at Mara sa tabing dagat na ang ganda-ganda ng ngiti ng dalaga.

Ang caption ay, “CONGRATULATIONS Julia Montes para sa iyong memorable performance bilang “Mara” sa FPJ’s Ang Probinsyano! Grabe ang kilig na ibinigay niyo para sa fans lalong lalo na sa napaka emotional at action-packed na katapusan!”

Gamit rin ni Julia ang mga hashstags na “#AngHulingPagibig”, “#FPJsAngProbinsyano”, “#FPJAP7MissionAccomplished”.

Apat ang talent ng Cornerstone na naging parte ng pitong taong serye ni Coco, sina John Prats, Jay Gonzaga, Empoy at Julia.

Ipinost ng management company ang mga larawan ng mga nabanggit.

“FPJ’s Ang Probinsyano has become a truly iconic and monumental phenomenon in Philippine entertainment and we are proud that Cornerstone artists have played a role in the unparalleled success of the show.

“CONGRATULATIONS to the whole cast and crew! And congratulations to our artists! Take pride in knowing that YOU are a part of this epic story!”

Related Chika:
Julia Montes sa bahay na ni Coco Martin nakatira?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Julia Montes miss na miss na ng fans kaya may ‘paramdam’ sa ABS-CBN

Dimples kay Julia Montes: Kilig na kilig yarn?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending