Higit sa 10,000 bagong trabaho, nakalaan para sa mga taga-Caloocan City | Bandera

Higit sa 10,000 bagong trabaho, nakalaan para sa mga taga-Caloocan City

Karlos Bautista - August 06, 2022 - 02:11 PM

Caloocan City job fair

AABOT sa 10,000 bagong trabaho ang target na malikha para sa mga residente ng Caloocan City, ayon sa direktiba ni Mayor Dale “Along” Malapitan.

“Magtutuloy-tuloy lang po ang hiring programs natin sa Caloocan mula na rin sa direktiba ni Mayor Along na tulungang magkaroon ng pagkakakitaan ang mga taga-Caloocan,” wika ni Violeta Gonzales, officer-in-charge ng Public Employment Service Office’s (PESO).

“Sisikapin po natin na mas mag-accommodate ng mga nais mag-apply, makipagtulungan sa mga kumpanya at magsagawa ng job fairs para mas maraming kababayan natin ang magkatrabaho,” dagdag pa ni Gonzales.

Layunin ng programa na matugunan ang krisis sa trabaho na dulot ng pandemya sa pamamagitan ng serye ng mga programang naglalayong lumikha ng trabaho.

Sa kasalukuyan, umaabot na sa 1,109 ang kabuuang nabigyan ng hanapbuhay sa mga programang ito, ayon kay Gonzales.

Target ng programa na mabigyan ng trabaho ang mga nakapagtapos ng kolehiyo at high school, pati na rin ang mga working students sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga pribadong negosyo sa Caloocan City.

Nagpasalamat si Malapitan sa PESO sa tulong na ginagawa nito para sa mga taga Caloocan.

“Nagpapasalamat po tayo sa PESO sa hindi mapapantayang dedikasyon at pagtugon niyo sa ating hangarin na maglaan ng pagkakataon para makabangon ang ating mga kababayan sa krisis,” ani Malapitan.

“Alam ko na marami ang nag-aagawan sa trabaho ngayon pero tayo, hahanap at hahanap tayo ng mga oportunidad para sa mga Batang Kankaloo at ilalapit natin ang mga oportunidad na ito sa kanila,” dagdag pa niya.

Ngayong Agosto, ang local recruitment activity ay isasagawa tuwing Huwebes sa opisina ng PESO, 3F, Caloocan City Hall North at tuwing Biyernes sa opisina ng PESO, 6F, Caloocan City Hall South.

Ang mga aplikante ay kailangang magdala ng updated resume, valid identification card bilang patunay ng kanilang paninirahan sa siyudad at vaccination card (fully-vaccinated record).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending