Pagbabayad ng buwis sa Caloocan City, online na rin | Bandera

Pagbabayad ng buwis sa Caloocan City, online na rin

Karlos Bautista - September 06, 2022 - 09:33 AM

buwis caloocan city

Magbabayad ka ba ng business o real property taxes? Sa Caloocan City, hindi mo na kailangan pang pumunta sa city hall para sa ganitong uri ng transaksyon.

Nitong Lunes, pinangunahan ni Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang paglulunsad ng Online Services-Assessments and Payments para sa mga taxpayers ng siyudad.

Layunin ng online service na ito na mas mapadali ang paraan ng pagnenegosyo sa Caloocan City at mahikayat ang mga negosyante at residente na magbayad ng buwis sa tamang panahon.

“Kung gaano kaganda at kaayos ang ating city hall, sisikapin nating ayusin rin ang mga transaksyon sa loob nito para mahikayat ang mas marami pang negosyante at ang ating mga kababayan na magbayad ng buwis sa oras,” ani Malapitan.

Mas madali at ligtas umano ito na pamamaraan ng pakikipagtransaksyon at paborable para sa mga taong umiiwas pa rin na pumunta sa mga mataong lugar dahil sa pandemya.

“Mas madali, walang pila at hindi na kailangang umabsent o mag-leave ng mga nagtratrabaho para magbayad ng buwis, lalo na sa mga senior citizens natin na nagtyatyagang pumunta pa sa City Hall,” ani Malapitan. “Mas ligtas ang online payment para sa lahat dahil naiiwasan nating makisalamuha sa ibang tao.”

Maari ring magparehistro dito ng mga bagong negosyo, isumite ang mga requirements at magbayad ng registration fee.

Para magrehistro, tumungo sa  opisyal na website ng city government, https://caloocancity.gov.ph/. Sa Online Services-Assessments and Payments, gumawa  ng account.

Kung magbabayad na, piliin ang GCash bilang paraan ng pagbabayad at ipasok  ang halagang babayaran. May text message na matatanggap bilang kumpirmasyon kung naging matagumpay ang transaksyon.

Ayon kay City Treasurer Analiza Mendiola, makatatanggap ang mga nagbayad ng soft o hard copy ng resibo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sa mga magbabayad naman po ng buwis gamit ng GCash, makakatanggap po kayo ng soft copy ng resibo sa inyong email address at kung kailangan niyo ng hard copy, mag-reply lang po kayo ng inyong address at detalye para maipadala po natin ito,” ayon kay Mendiola.

Maaari ring i-monitor ng taxpayers ang kanilang transaction history.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending