Natasha Jung kinoronahang Miss Caloocan 2023 kasabay ng pagdiriwang ng ‘Women Empowerment’ | Bandera

Natasha Jung kinoronahang Miss Caloocan 2023 kasabay ng pagdiriwang ng ‘Women Empowerment’

Pauline del Rosario - February 26, 2023 - 03:44 PM

Natasha Jung kinoronahang Miss Caloocan 2023 kasabay ng pagdiriwang ng ‘Women Empowerment’

PHOTO: Courtesy Caloocan PIO

ILANG araw nalang ay ipagdidiwang na sa buong bansa ang “Women’s Month.”

Para sa kaalaman ng marami, ang buwan ng Marso kasi ay talagang iniaalay para sa kababaihan mula pa noong 1988 at ‘yan ay nakasaad mismo sa ating batas.

At mukhang nauna na sa selebrasyon ang Caloocan City sa pangunguna ni Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan.

Nitong February 25 lamang ay naganap ang Grand Coronation Night sa kanilang lugar para sa kompetisyon na “Miss Caloocan.”

Ang nasabing pageant ay kasabay ng kanilang 61st Founding Anniversary na naglalayong ipagmalaki ang “women empowerment” na kung saan ay maipapakita ng mga Pinay ang ilan nilang katangi-tanging ugali bilang mamamayan.

“Tonight, we celebrate women empowerment. Ang ating mga kandidata sa Miss Caloocan ang sumisimbolo sa mga katangian ng isang Pilipina,” sey ni Mayor Malapitan sa kanyang talumpati.

“Umaasa po ako na magiging inspirasyon kayo at ang inyong dedikasyon sa bawat Batang Kankaloo, lalo na ang inyong pagpapahayaag ng saloobin at pakikiisa sa mga programang panlipunan,” dagdag pa niya.

Ang kinoronahang Miss Caloocan ngayong taon ay si Natasha Jung at nakapag-uwi siya ng P150,000 cash prize, pati na rin ng ilang produkto mula sa mga sponsors gaya ng Zel’e Wellness Center, San Miguel Corporation, Fame Leaders Academy, OhMyGirl Nail Polish, Mane ‘n Tail, Mestiza at V Brows Microblading.

Samantala, first runner-up naman si Patricia Agapito, second runner-up si Kairi Clemente, third runner-up si Ma. Christine Ordeviza at fourth runner-up si Juliana Losito.

Ilan lamang sa mga naging hurado ng nasabing pageant ay sina Miss Universe 2016 Top 6 Maxine Medina, misis ni Mayor Along na si Aubrey N. Malapitan, Fashion Designer Mr. Anthony Ramirez, TV Host Dianne Medina at  Chairman for Tourism and Cultural Affairs na si Coun. L.A. Asistio.

Related chika:

Nagliliyab na pulitika sa Maynila, Marikina, Caloocan, QC at Malabon

28 paaralan sa NCR kabilang sa pilot face-to-face classes

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Biglaang pagpayat ni Hoyeon Jung ng ‘Squid Game’ ikinabahala ng netizens

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending