Aktor na hindi kalakihan ang talent fee nakapagpatayo ng bahay sa exclusive subdivision
HINDI kalakihan ang talent fee ng aktor sa mangilan-ngilan niyang proyekto kaya nagtataka ang mga nakakakilala sa kanya kung paano siya nakapagpatayo ng malaking bahay sa isang ekslusibong subdibisyon considering na siya pa ang bread winner ng pamilya.
May mga kaibigan kaming nakatira rin sa kaparehong subdibisyon at malaki nga raw ang bahay ng aktor at may bagong mamahaling sasakyan na rin ang binata.
Kuwento ng kaibigan naming real estate agent ay mahigit sa P25M ang presyo ng lupa sa subdibisyon plus ang bahay kaya more or less ay nas P30M ito.
“Malaki ang solar ng bahay nila, maganda at pansinin kapag napapadaan ka sa kalye nila,” say ng kaibigan naming ahente.
Sa pagde-detalye ng aming kaibigang ahente ay nai-imagine namin ang itsura ng bahay ng aktor at kami rin ay napapaisip paano niya na-acquire ang malaking house and lot plus mamahaling sasakyan.
Baka naman hulugan niya itong nakuha pero sa laki tiyak ng monthly amortization ay paano nga ba niya ito nababayaran, e, bilang lang sa daliri ng kanang kamay ang project niya.
Wala rin kaming nababalitaang may benefactor siya o baka magaling siyang magdala. Ang alam namin ay may girlfriend siyang karelasyon na mapera, baka naman doon galing?
Anyway, mabait naman si aktor at maayos namang kausap kapag nakakapanayam namin kaya wala kaming iniisip na malisya sa kanya at sa katunayan ay madalas namin siyang nakikita sa malls noong wala pang pandemya kasama ang sikat din niyang kasintahan.
Other Chika:
Aktres na mahal ang talent fee mas type ng producer kesa sa female star na mababa ang TF pero super arte
Kris ibinuking si Angel: Nagbigay po siya ng P2M para sa mga nasalanta ng bagyo
AJ Raval: Sana makita n’yo si Aljur kung paano ko siya nakikita… napakabuti ng puso niya
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.