AJ Raval: Sana makita n'yo si Aljur kung paano ko siya nakikita... napakabuti ng puso niya | Bandera

AJ Raval: Sana makita n’yo si Aljur kung paano ko siya nakikita… napakabuti ng puso niya

Ervin Santiago |March 01,2022
facebook
share this

AJ Raval: Sana makita n’yo si Aljur kung paano ko siya nakikita… napakabuti ng puso niya

Ervin Santiago - March 01, 2022 - 06:35 PM

Aljur Abrenica at AJ Raval

NANGAKO ang kontrobersyal na sexy star na si AJ Raval sa mga netizens na ibabandera niya sa buong mundo sakaling may relasyon na sila ni Aljur Abrenica.

Ayon sa dalaga, magbibigay siya ng update sa kanyang social media followers kapag “official” na ang relationship nila ng kanyang rumored boyfriend na si Aljur.

Sa sunud-sunod niyang post sa Instagram Stories sinagot ni AJ ang ilang maiintrigang tanong mula sa kanyang mga fans. 

Tulad na lang ng question ng isang netizen na, “Kayo na ba?” na ang tinutukoy nga ay ang estranged husband ni Kylie Padilla na si Aljur.

Sagot naman ni AJ, “Sobrang cool lang namin ni Aljur, masaya kami sa mga situation namin. May mga priorities at problema na dapat unahin.”

“Huwag ka mag-alala, ‘pag official na, updated ka,” dugtong pa niyang tugon.

Isang IG user naman ang nagtanong kay AJ ng, “Bakit si Aljur? Kahit nakakasira sa career mo at naging masama ka pa sa ibang tao dahil sa kanya?”

Ito naman ang diretsahang sagot ng dalaga, “Hindi naman importante sa akin ang opinyon ng ibang tao. Ang importante, ang opinyon ng malapit na tao sa akin.

“Sana makita niyo si Aljur kung paano ko siya nakikita. Napakabuti ng puso ng taong ‘yun, kung paano niya mahalin ‘yung anak niya, ‘yung pamilya niya, kung paano siya tumingin sa mga tao — pantay-pantay,” ang pagtatanggol ng dalaga sa aktor.

View this post on Instagram

A post shared by Aj Raval (@ajravsss)


Ang basa ng mga netizens, mukhang unti-unti na ngang nagiging open si AJ sa tunay na estado ng relasyon nila ni Aljur at baka raw bukas-makalawa ay amin na rin nila sa publiko na totoong magdyowa na sila.

Pero para naman sa ilang fans ni AJ, sana raw ay si Aljur ang humarap sa publiko at magpakalalaking aminin kung sila na nga. Pero hanggang ngayon nga ay hindi pa rin maamin-amin ang tunay na score sa pagitan nila.

Kamakailan ay naging kontrobersyal muli sina Aljur at AJ nang kumalat ang mga litrato nila together sa isang hotel sa Leyte noong mismong Valentine’s Day.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya naman ang reaksyon mga netizens ay talagang may relasyon na sila pero bakit daw pilit pa rin nilang itinatanggi. Bakit daw hindi na lang sila umamin at ipagsigawan ang kanilang pagmamahalan?

Aljur Abrenica nilinaw ang viral hotel photos kasama si AJ Raval: Kumain lang kami at nagbihis

Kylie sa pamba-bash kina AJ at Aljur: I wish you guys are more careful, don’t blame it on me

AJ Raval matindi ang pinagdaanan: May mga death threats ako, galit na galit sila sa akin!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending