Miss Manila Alexandra Abdon 'wanted' sa fans ni Bb. Pilipinas 1st runner-up Herlene Budol: Ano ka ngayon?! Bandera

Miss Manila Alexandra Abdon ‘wanted’ sa fans ni Bb. Pilipinas 1st runner-up Herlene Budol: Ano ka ngayon?!

Therese Arceo |August 03,2022
share this

Miss Manila Alexandra Abdon ‘wanted’ sa fans ni Bb. Pilipinas 1st runner-up Herlene Budol: Ano ka ngayon?!

Therese Arceo August 03, 2022 - 05:20 PM

Miss Manila Alexandra Abdon 'wanted' sa fans ni Bb. Pilipinas 1st runner-up Herlene Budol: Ano ka ngayon?!
PINAGHAHANAP ngayon ng netizens ang si Miss Manila o si Alexandra Abdon matapos hirangin bilang Binibining Pilipinas 1st runner up si Herlene Budol.

Marami ngayon ang nakataas ang kilay sa dating contestant ng Miss Universe Philippines 2020 matapos patunayan ni Hipon Girl na walang katotohanan ang mga binitawang salita sa kanya ni Alexandra.

“Musta kaya si Miss Manila after Harlene Budol (Hipon) received a lot of special awards? Ang dati niyang binash ngayon ay mas angat pa sa kanya sa one of the prestigious pageants in the country!” saad ng isang netizen.

Marami sa mga netizens ang til gigil na gigil na hinahanap si Alexandra dahil kahit first time nitong sumali sa national beauty pageant ay talagang humakot ito ng awards.

Chika pa ng isa, “Musta na kaya yong si Miss Manila Girl, na binubully niya sa Hipon dati na hindi sya pwede maka sali sa Bb. Pilipinas dahil pangit sya. So Ngayon, Miss Manila Girl ano ka ngayon?????”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Herlene Nicole Budol (@herlene_budol)

Matatandaang noong Disyembre 2020 ay nag-guest si Alexandra sa programang “Wowowin: Tutok to Win” kung saan isa sa mga hosts si Herlene.

“Kahit magpa-pageant ang nanay ni Hipon sa bahay nila, hindi siya qualified. Yung standards, yung qualification, medyo tagilid tayo do’n,” saad noon ni Miss Manila.

At sa paghahanap nga ng mga netizens kay Alexandra ay napansin ng mga ito na wala nang mga posts sa kanyang Facebook page at naka-private na ang account nito sa Instagram.

Hanggang ngayon ay wala ring pahayag si Miss Manila ukol sa isyu na muling nabuhay.

Noon pa man ay nilinaw na mismo ng host ng show na si Willie Revillame na maayos ang lahat sa pagitan ng dalawang dalaga.

“Iki-clear ko lang, si Hipon at si Miss Manila, hindi magkaaway yun. Nagkaayos na ho yun. Ganun lang naman nagkakabiruan sila. Kawawa naman si Miss Manila, wag naman i-bash. Sa totoo lang mabait na bata. Nung kumakain kami tahimik siya,” sey ni Willie.

Dagdag pa niya, “Sinabi naman na nagbibiro lang daw si Miss Manila… Wag na natin pansinin. Wag na natin palakihin ‘to… Sineryoso talaga yun ni Hipon. Medyo napikon talaga si Hipon. Nasaktan siya… Pinapupunta ko dito ngayon. Pinag-aayos ko sila ni Miss Manila.”

Related Chika:
Miss Manila 2020 muling binanatan ng netizens sa panlalait kay Herlene Budol dahil sa lumang video ng ‘Wowowin’

Herlene Budol humakot ng special awards sa Bb. Pilipinas 2022; Gabriel Basiano tinuhog ang Best in Evening Gown at Best in Swimsuit

Beauty queen mula sa Olongapo unang Pinay na nagwaging Miss Aura International 2021

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending