Miss Manila 2020 muling binanatan ng netizens sa panlalait kay Herlene Budol dahil sa lumang video ng 'Wowowin' | Bandera

Miss Manila 2020 muling binanatan ng netizens sa panlalait kay Herlene Budol dahil sa lumang video ng ‘Wowowin’

Ervin Santiago |April 29,2022
facebook
share this

Miss Manila 2020 muling binanatan ng netizens sa panlalait kay Herlene Budol dahil sa lumang video ng ‘Wowowin’

Ervin Santiago - April 29, 2022 - 11:31 AM

Alexandra Abdon at Herlene Budol

MAINIT na pinag-uusapan ngayon ang panlalait ni Miss Manila 2020 Alexandra Abdon sa TV host-comedienne na si Herlene “Hipon Girl” Budol na nangyari mahigit isang taon na ang nakararaan.

Muli kasing kumalat sa social media ang video ng dalawa nang “magsagutan” at “magtarayan” sa episode ng “Wowowin” noong December, 2020.

Para sa mga nakalimot na, si Alexandra ay naging kandidata sa Miss Universe Philippines 2020 na nag-viral sa preliminary interviews ng national pageant two years ago dahil sa nakakaaliw na pagsagot niya sa mga tanong.

Sa nasabing “Wowowin” video, nagharap sina Herlene at Alexandra at nagpalitan ng maaanghang na salita habang nagpatalbugan kung sino ang mas maganda, mas sexy at mukhang sosyal.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Herlene Nicole Budol (@herlene_budol)


Dito, tinawag ni Miss Manila si Hipon Girl na “squammy at “iskwater” at wala raw itong karapatang maging beauty queen.

Hirit ni Alexandra, “Kahit magpa-pageant ang nanay ni Hipon sa bahay nila, hindi siya qualified. Hindi ka qualified, Hipon, kahit magpa-pageant nanay mo.

“Yung standards lang, yung qualifications medyo tagilid tayo doon,” ang matapang na banat ng beauty queen kay Herlene.

Obviously, inilabas ito ng mga netizen dahil nakapasok nga sa 40 official candidates ng Binibining Pilipinas 2022 ang Kapuso comedienne at gusto nilang ipamukha kay Alexandra na may karapatan din si Herlene na maging beauty queen.

Kaya naman ang ending, muling nakatikim na masasakit na salita si Miss Manila mula sa mga supporters ni Hipon Girl tulad ng ginawang pamba-bash sa kanya matapos ang face-off nila ni Herlene sa “Wowowin.”

Narito ang ilan sa mga reaksyong nabasa namin sa social media tungkol sa viral video nina Herlene at Alexandra.

“Gandang ganda sya sa sarili. Over confident si Ms Manila sa totoo lang. Para sakin mas qualified pa si hipon sa kanya.”

“Oh loko! Ngayon mas maganda at mas seksi at mas sosyal pa sayo si Hipon! Sumamba ka sa tunay na dyosa!”

“She proved to Ms Manila that shes totally wrong. Slap back to her face.”

“San ka na nyan gurl? Siguro hiyang hiya ka na sa sarili mo now! Magharap kayo ngayon ni Herlene Nicole Budol at now mo sabihin na wala syang karapatang sumali sa beauty contest! Hahahaha!”

“Sayang kaya d sumikat at nagng artista to dto sya nadale, attitude and medyo off ugali.”

But in fairness, may nagtanggol din naman kay Miss Manila at ipinaalala sa mga bashers na scripted ang sagutan ng dalawa  sa “Wowowin.”

May nagsabing masyado raw gullible at mapagpatol sa mga pekeng balita ang nanlalait kay Alexandra.

Sey naman ng isang netizen, “They’re good friends, scripted ang issue nila. Kawawa naman si Miss Manila mababash na naman, may ma e’content lang kayo!”

“Mga ulol talaga ang bashers na to. FYI, OK naman sila. They’re friends na. Nananahimik na si miss manila. Kawawa naman ung tao wala namang ginagawang masama sa inyo!”

Pagkatapos sumabog ang isyu sa pagitan nila ni Herlene, inamin ni Miss Manila na scripted nga ang tarayan nila ni Herlene sa show ni Willie Revillame at walang namamagitang “something” sa kanila.
Sey ni Alexandra, “Napag-utusan lang po. Just doing my job.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa katunayan, nagkaroon pa sila ng mga collaboration sa YouTube kung saan pinatunayan nila sa publiko na sila’y totoong magkaibigan.

Basher walang awang nilait at minaliit si Herlene Budol: Maganda ka sana kaya lang bobita ka!

Herlene Budol bawal pang makipag-kissing scene: Hindi pa ako masyadong marunong mag-toothbrush!

Herlene Budol hindi kumita sa mga naunang vlogs: Nakakalungkot lang isipin kasi kahit kani-kanino ako nagtiwala

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending