Ama ng suspek sa Ateneo shooting patay matapos barilin sa Basilan
BINARIL ang ama ni Dr. Chao Tiao Yumol, suspek sa naganap na Ateneo de Manila University shooting ngayong umaga, July 29, sa Lamitan City, Basilan.
“Kaka-confirm lang ng Lamitan police na pinatay po iyong tatay ni Dr. Yumol kaninang mga around 6:30 to 7 a.m.,” saad ni Police Lieutenant Eirene Mazon, officer-in-charge ng regional police information office sa Bangsamoro Autonomous Region.
Base sa report, naganap ang pamamaril kay Rolando Yumol habang nasa labas ito ng tindahan na pag-aari ng kanilang pamilya sa Barangay Maligaya.
“Our police personnel in Lamitan City is already conducting an investigation regarding the case. So far, it is speculative to assume its direct relation to the shooting incident that happened last Sunday at the Ateneo de Manila University,” pahayag ni Police Brig. Gen. Roderick Alba ng Philippine National Police.
Ayon rin sa pulisya, dalawang hindi pa nakikilalang suspek na nakasakay sa isang motor ang bumaril kay Rolando habang nasa labas ito ng kanilang tirahan.
Agad naman siyang dinala sa Lamitan District Hospital ngunit idineklara na rin itong dead on arrival.
Nagtamo ang ama ni Dr. Yumol ng apat na gunshot wounds ayon sa isang kamag-anak na hiniling na huwag nang pangalanan.
Matatandaang tatlo ang namatay sa naganap na shooting spree noong Linggo July 24. Ito ay sina dating Lamitan mayor Rosita Furigay, assitant nitong si Victor Capistrano, pati na rin ang Ateneo security guard na si Jeneven Bandiala.
Dahil rito nahaharap si Dr. Yumol sa salang multiple counts of murder. Bukod pa rito ay nahaharap rin siya sa iba pang kaso gaya ng frustrated murder, car theft, illegal possession of firearms, at malicious mischief.
Related Stories:
Ex-mayor ng Lamitan, Basilan, 2 pa patay sa pamamaril sa Ateneo campus, 1 estudyante sugatan; PBBM ‘shocked’
Sekyu na nasawi sa Ateneo campus shooting tunay na bayani: ‘He deserves to be named and recognized’
Kampo ng pinaslang na ex-mayor sa Ateneo campus umalma sa isyu ng ilegal na droga: That is not true!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.