Ina ni Dr. Chao Tiao Yumol nanawagan kay Bongbong Marcos: Nasa panganib kami! | Bandera

Ina ni Dr. Chao Tiao Yumol nanawagan kay Bongbong Marcos: Nasa panganib kami!

Therese Arceo - July 30, 2022 - 01:59 PM

Ina ng suspek sa Ateneo shooting nanawagan kay Bongbong Marcos: Nasa panganib kami!
NAGMAKAAWA ang ina ng suspek sa Ateneo shooting na si Muykim Tumol kay Pangulong Bongbong Marcos na sana ay matulungan sila nito.

Aniya, marami na ang natatanggap nilang pagbabanta sa buhay ng kanilang pamilya kaya hangad niya na sana ay matulungan sila ng gobyerno.

“Mayroon na hong bali-balita na pinag-iingat na ho kami, na iisa-isahin nila kami… sana matulungan kami ni Presidente Bongbong Marcos eh nasa panganib na ho ang buhay namin. President, maawa na ho kayo sa amin. Nasa threat ho ang buhay naming lahat,” panawagan ng ina ni Dr. Chao Tiao Yumol sa panayam niya sa “24 Oras”.

Makikitang nakasuot pa ang ginang ng bulletproof vest habang nananawagan sa kasalukuyang pangulo na tulungan sila.

Matatandaang noong July 24 nangyari ang Ateneo shooting incident na ginawa ni Dr. Chao Tiao Yumolkung saan binawian ng buhay ang dating Lamitan City Mayor Rose Furigay, assistant nitong si Victor Capistrano, at security guard ng universidad na si Jeneven Bandiala.

At nitong Biyernes ng umaga, July 29 ay pumanaw ang ama ng suspek na si Rolando Yumol habang nasa labas ito ng kanilang tahanan sa Lamitan City.

Ayon sa ulat ay nagwawalis lamang ang ama ni Dr. Chao Tiao Yumol sa tapat ng kanilang tahanan nang maganap ang pamamaril sa kanya.

Nagtamo ito ng 4 na gunshot wounds mula sa dalawang hindi pa nakikilalang suspek na nakasakay sa isang motorsiklo.

Agad namang dinala sa Lamitan District Hospita ang ama ni Dr. Chao Tiao Yumol ngunit idineklara na itong dead on arrival.

Sa kabila ng pangyayari, nilinaw naman ng ginang na hindi niya kinukunsinti ang ginawang pamamaril ng kanyang anak na kumitil ng tatlong buhay at sumira sa sana’y masayang pagtatapos ng mga estudyante ng Ateneo.

Ayon naman sa abogado ng pamilya Furigay, nagulat rin sila nang mabalitaan ang pamamaril sa ama ni Dr. Chao Tiao Yumol.

May paalala naman ang mga awtoridad sa publiko na sana’y iwasan ang padalos-dalos na komento at pambabatikos ng mga ito ukol sa isyu na kasalukuyang iniimbestigahan ng mga ito.

Related Chika:
Ama ng suspek sa Ateneo shooting patay matapos barilin sa Basilan

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ex-mayor ng Lamitan, Basilan, 2 pa patay sa pamamaril sa Ateneo campus, 1 estudyante sugatan; PBBM ‘shocked’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending