Maris Racal kinilig nang makita ang larawan sa New York Times Square billboard: Is this real?
GRABENG kilig at tuwa ang reaksyon ni Maris Racal nang makita niyang naka-post ang malaki niyang larawan sa New York City Times Square base sa video post niya sa kanyang Instagram account kagabi.
“Oh my God, nasa New York ako (sabay pakita ng billboard niya) ahhh, thanks Babe (Rico Blanco). Hi Babe, love you!” saad ng dalaga.
Ang caption ni Maris sa video post niya, “This was the moment I learned that my face is up in Times Square. like. OMG. IS THIS REAL? I can’t believe nasa New York ako! Honestly, this inspires me to make more music. Thank you everyone, for believing in me.
“Thank you for believing in me @spotifyph , @sonymusicphl, and @balconyentph .
@ricoblanco100 at inutusan mo pa talaga si @imjoric mag video but good thinking! (emoji brown monkey covering her face) this moment was perfectly captured.”
Kulang 60,000 ang naglike at nag heart sa post na ito ni Maris at almost 500 naman ang bumati sa kanya at ang ilan sa mga kilala ay sina:
View this post on Instagram
Direk @danvillegas, “Congrats beh!”
Ang kilalang journalist na si @iamkarendavila ay bumati rin with emojis Philippine flag, “Awww soooo happy for you!! PINOY PRIDE congrats!”
Isa sa nag-like ay ang leading man ni Maris na si Carlo Aquino sa How to Move On in 30 Days na isa sa most viewed sa YouTube channel kung saan ito umeere.
Massabi naming isa rin ang singer/actress sa matatawag naming universal leading lady dahil puwede siyang itambal kahit kanino.
Tulad na lang sa boyfriend niyang si Rico Blanco na 25 years ang agwat ng edad nila pero bagay silang dalawa, at cute na cute kami sa tambalan nila ni Carlo sa YT series nila, wala pang sequel ito Direk Benedic Mique?
Ang ganda ng chemistry nina Maris at Carlo sa “How to Move On in 30 Days”, cute ang istorya na puwede sa bagets pero mature audiences talaga ang target market base na rin sa edad sa story.
At ngayon naman ay si Elijah Canlas ang leading man niya sa “Suntok sa Buwan”, movie series ni Aga Muhlach na palabas na sa TV5 simula nitong Lunes, Hulyo 18 mula sa Project 8 at Cignal Entertainment na idinirek ni Geo Lomuntad.
Going back to “How to Move On in 30 Days” magkakaroon nga ba ng sequel ang tambalang Maris at Carlo?
Related Chika:
KZ Tandingan spotted sa New York Times Square billboard
Julie Anne star na star sa New York Times Square billboard
Maris Racal may tip sa pagmo-move on: It’s a process, hindi dapat minamadali
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.