Maris Racal may tip sa pagmo-move on: It's a process, hindi dapat minamadali | Bandera

Maris Racal may tip sa pagmo-move on: It’s a process, hindi dapat minamadali

Therese Arceo |April 02,2022
facebook
share this

Maris Racal may tip sa pagmo-move on: It’s a process, hindi dapat minamadali

Therese Arceo - April 02, 2022 - 07:36 PM

Maris Racal may tip sa pagmo-move on: It's a process, hindi dapat minamadali
HINDI tulad ng ibang tao na nakaranas ng hirap sa heart break, nagpapasalamat si Maris Racal na mas madali siyang mag-move on kapag hindi laan para sa kanya ang isang tao.

Sa ginanap na mediacon ng kanyang YouTube series na “How To Move On in 30 Days” sa ABS-CBN Dolphy Theater ay ibinahagi niya na mas nananaig ang self-worth sa kanya.

Sagot ni Maris, “Thankfully naman, sa awa ng Diyos, hindi talaga ako nahirapan ever since [na] mag-move on.

“Kasi ‘di ba, minsan pag sa pagdulo na ng relationship, unti-unti mo nang natatanggap na hindi para sa akin ang taong ito.

Chika niya, kapag na-realize na niya na kawawa na siya at hindi na siya nakakaramdam ng growth as a person, mas mabilis na lang sa kanyang tanggapin ang break up.

Pagpapatuloy ni Maris, “When you really love yourself, na gusto mong ibalik yung self-worth mo, pag yun ang motivation mo, super bilis talaga ng moving-on stage mo.”

Kinakailangan rin daw talagang dumaan sa tamang healing process sa pagmo-move on.

Sey ni Maris, “So the moment na mag-decide ka na break na kayo, you finally accepted na hindi kayo para sa isa’t isa. Then, iyak-iyak lang for three days, then okay na ako.

“It’s a process, hindi dapat minamadali. Dapat mag-take time ka. Whether it’s fast or mahaba, i-enjoy mo lang yung process because that’s what gonna make you are in the future.”

Bukod sa tamang healing process, malaking tulong rin para kay Maris ang kanyang pagsusulat ng kanta sa pagmo-move on.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maris Racal (@mariesteller)

 

“Ako talaga, since sobrang intense ng emotions, gina-grab ko yung opportunity na yun para magsulat. Dun yung time na isinusulat ko yung mga songs na sad. Yun ang release ko, yun ang outlet ko.

“After ng pagsusulat, siguro time with friends, pupunta talaga ako sa beach, hihinga ako,” saad ni Maris.

Pagkukwento pa niya, isa si Sue Ramirez sa mga kaibigan na nakausap niya nang huli siyang makaranas ng heartbreak.

“Pinakaka-chika ko nun si Sue. Kinukuwento ko lang sa kanya from start till nag-break, lahat. Inuulit-ulit ulit ko sa kanya until ma-realize ko, ‘Shucks, kawawa ka, Bes. Paano mo ito nakakaya?'” lahad ni Maris.

“Tapos ako na yung nahiya, tinigil ko na. Dun ako unti-unting namulat. Ang cringe ng pinaggagagawa ko these days. Kailangan nating ibalik yung self-worth natin.”

Ang senyales ni Maris para masabing naka-move on na siya ay kapag mayroon nang bagong nagpapakilig at nagpapangiti sa kanya.

“I think I can say na naka-move on na ako kapag may kinakausap na ako. Pag may bagong nagpapakilig sa akin na parang, ‘Oh my god, iba ito. Hindi siya parang joke na feelings, totoo ito.’

“Feeling ko, yes, move on, pero kailangan mo kasi ng confirmation talaga. Hindi naman confirmation from the other person, confirmation within yourself na parang, ‘Okay, kinikilig na ako. Napo-fall ako tapos masaya ako.’ Iyan ang way ko for confirming, ‘Okay na ako, I have moved on.'”

Sa ngayon ay super happy at super strong ang relationship ni Maris sa kanyang boyfriend na si Rico Blanco.

Related Chika:
Maris umaming maligaya sa piling ni Rico: I think it is very obvious…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si Maris Racal nga ba ang nagparamdam kay Rico Blanco?

Nikki Valdez nasa ‘healing process’ pa rin matapos mawala ang kanyang ’embaby’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending