Darryl Yap may hugot sa 'matanda': 'Yung iba gurang, 'yung iba walang pinagkatandaan | Bandera

Darryl Yap may hugot sa ‘matanda’: ‘Yung iba gurang, ‘yung iba walang pinagkatandaan

Therese Arceo - July 15, 2022 - 11:58 AM

Darryl Yap may hugot sa 'matanda': 'Yung iba gurang, 'yung iba walang pinagkatandaan

MUKHANG wala pa ring titigil sa bardagulan serye dahil muli na namang nagpatutsada ang VinCentiments director na si Darryl Yap at tungkol naman ito sa “matanda”.

Sa Facebook page ng VinCentiments ay ibinahagi niya na may mga matatanda raw na walang pinagkatandaan.

“Let’s be clear about one thing, hindi lahat ng matanda ay gurang. Yung ibang matanda, kagalang-galang,” saad ni Darryl.

Dito ay nabanggit niya ang ilang mga personalidad na madalas laman rin ng mga balita nitong nagdaang mga linggo gaya nina Juan Ponce Enrile, Imelda Marcos at Clarita Carlos.

“Yung iba, jusko, kagurang-gurang. Walang pinagkatandaan. MAGKAIBA ANG BARDAGULAN. SA bardaGURANG,” dagdag pa ni Darryl.

Wala mang sinabing pangalan ngunit alam na ng mga netizens na ang P3PWD party-list representative na si Atty. Rowena Guanzon ang pinatutungkulan nito.

Nauna nang tawaging “matanda” ni Darryl si Cong. Guanzon nang magpadala siya ng mensahe sa aktres na si Ruffa Gutierrez.

Aniya, suportado niya ang aktres at reasy siyang gumawa ng content ukol sa isyu at sana raw ay may free time ang aktres dahil sa busy schedule nito.

“Niresearch ko na, dati syang taga-Comelec, She is an Old Lady, maybe stressed sya and alone, wag ka na lang sumagot,” pagpapatuloy ni Darryl.

Sumagot naman si Guanzon sa patutsada ng director.

“I am an elected official, not a two bit actor. hindi pa ako laos. Call me a whore but never call me damatands. #Bardagulan,” saad ng dating Comelec commissioner.

Muling tweet ni Guanzon, “Kelan pa ako naging purveyor of fake news? Attorney (who?) baka ka ma-disbar. Careful…”

Dagdag pa niya, ““You can call me Bruneiyuki or a whore, bitch, but if you call me damatands, I will call you a pedophile.”

Nagsimula ang “bardagulan” sa pagitan nina Ruffa at Guanzon. noong diumano’y may dalawang kasambahay na pinalayas ng mga amo nito nang hindi pa binibigay ang sahod.

Tinawag ni Atty. Guanzon ang pansin ni Ruffa para kumpirmahin ito na agad namang pinabulaanan ng aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Annabelle Rama sa kaaway ni Ruffa: Kung magkuwento ka akala mo CCTV ka! Pwede ba huwag ka maging chismosang Marites!

Ruffa Gutierrez sumagot sa paratang ni Rowena Guanzon: I did not fire anyone

Darryl Yap pinayuhan si Ruffa: Kung d’yan siya masaya, wag natin basagin ang trip niya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending