'History' hugot ni Dawn Chang: Bago magsalita, mag-aral ng kasaysayan, para may tamang ambag sa lipunan | Bandera

‘History’ hugot ni Dawn Chang: Bago magsalita, mag-aral ng kasaysayan, para may tamang ambag sa lipunan

Therese Arceo |July 06,2022
facebook
share this

‘History’ hugot ni Dawn Chang: Bago magsalita, mag-aral ng kasaysayan, para may tamang ambag sa lipunan

Therese Arceo - July 06, 2022 - 04:37 PM

Dawn Chang: Bago magsalita, mag-aral ng kasaysayan, para may tamang ambag sa lipunan

MAGING ang dancer-actress na si Dawn Chang ay may pangaral sa kapwa aktres na si Ella Cruz ukol sa naging pahayag nito ukol sa kasayasayan.

Kasabay ng patuloy na pag-trending ni Ella sa social media ay ang pagbibigay aral ng Kapamilya actress sa kapwa Pilipino.

“Mahirap maging pag-asa ng bayan, kung ang ating kasaysayan ay sadyang kakalimutan,” saad ni Dawn.

Dagdag pa niya, “As Filipinos, we need to collectively help each other learn the lessons frm the past, so we can have a better future ahead. Bago magsalita, mag-aral ng kasaysayan, para may tamang ambag sa lipunan.”

Hindi lang si Dawn ang naglabas ng pahayag ukol sa trending issue ngayon kung saan ikinumpara ni Ella ang kasaysayan sa tsismis.

 

 

“History is like chismis. It is filtered and dagdag na rin, so, hindi natin alam what is the real history. Andoon na iyong idea, pero may mga bias talaga… As long as we’re here alive at may kanya-kanyang opinion, I respect everyone’s opinion,” saad ng dalaga nang tanungin siya sa mga natutunan niya sa kanyang upcoming film na “Maid in Malacañang”.

Kaya naman marami rin sa mga netizens at celebrities gaya ni Dawn ang nagpayo at nagpaabot ng mensahe kay Ella gaya na lang nina Pokwang at Agot Isidro.

Talak ni Pokwang, “nak Ella Cruz tanggap ko pananaw mo sa politika at respeto ko ang sino man sinuportahan mo, pero sa usaping HISTORY, di ako sasang ayon sayo nak dahil mali! maling mali… mabuti pang ibalik na kitang muli sa dagat nak mayaman sa iodin[e] ang dagat nakakatalino daw yan.”

“Ella, I love you and you’re the sweetest. (serious ako. she really is.) Next time, puede tayong sumagot ng, ‘No comment.’ Again, mahal kita,” sey naman ni Agot.

Related Chika:
Dawn Chang kasama sa cast ng ‘Darna’ TV series, netizens nag-react: Anong role mo dyan?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ella Cruz sa mga natutunan niya sa ‘Maid in Malacañang’: History is like tsismis

Pinoy historian supalpal sa pakikisawsaw daw sa ‘History is like tsismis’ hugot ni Ella Cruz: ‘Umayos ka, chura neto!’

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending