Arjo Atayde nanumpa na bilang congressman ng Quezon City | Bandera

Arjo Atayde nanumpa na bilang congressman ng Quezon City

Therese Arceo - June 30, 2022 - 07:06 PM

Arjo Atayde nanumpa na bilang congressman ng Quezon City
PORMAL nang nanumpa ang aktor na si Arjo Atayde bilang kongresista ng Quezon City kahapon, June 29.

Buong-buo naman ang naging pagsuporta ng kanyang kapatid na si Ria Atayde sa bagong yugto sa kanyang karera.

“It’s officially official. Congratulations Cong @arjoatayde @lodicongarjoatayde! Will literally be beside you every step of the way and already so proud of what you’ve done even before being elected… can’t wait to see what else you’ll do. Love you,” saad ni Ria Atayde sa kanyang Instagram account kalakip ang larawan ni Arjo sa naganap niyang oath taking.

Bukod kay Ria ay present rin ang kanilang amang si Arturo Atayde maging ang nakbabata nilang kapatid na si Gab.

Si Arjo nga ang nanguna sa mga ibinotong congressman sa District 1 ng Quezon City nitong nagdaang eleksyon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ria Atayde (@ria)

Nauna nang aminin ng aktor na ngayon nga ay sasabak na sa politika na kahit kongresista na siya ay hindi pa rin niya iiwan ang makulay na mundo ng showbiz.

Noong nakapanayam ng Push si Arjo ibinahagi nitong katatapos lamang niya sa shooting ng international series “Cattleya Killer”.

“Actually, kakatapos ko lang rin po mag shoot for ‘Cattleya Killer’ right before the campaign, but I won’t be stopping showbiz,” paglalahad niya.

Bagamat priority niya ang kanyang pagiging kongresista pero hindi siya magbibitiw sa pag-aartista.

Ani Arjo, “Iyan ang aking hanapbuhay. So, I can’t stop that. Of course, I have to prioritize specially this one (public service) but of course hindi na mawawala sa akin ang pag-aartista.”

“Kasi that’s one thing [that] I love to do the most and at the same time, make a living. Andon ang hanapbuhay ko,” dagdag pa niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Arjo Atayde nakuha ang endorsement ng Iglesia ni Cristo

Sylvia kontra sa pagtakbo ni Arjo sa 2022: Pero iga-guide ko na lang para hindi masulsulan at maligaw

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending