Lolit Solis kay Robin Padilla: Sana nga maalis niya corruption, marami mas matulungan
SA mga bagong halal na opisyales sa pagpasok ng administrasyon ni President-elect Bongbong Marcos na nanumpa ngayong tanghali sa National Museum of Fine Arts, si Senator-elect Robin Padilla ang laging laman ng social media at pahayagan.
Bawa’t kilos at salita niya ay dokumentado dahil naka-Facebook live siya kaya naman natutukan siya ng publiko kung ano ang ginagawa niya sa senado.
Nag-viral kahapon ang mga binitiwan niyang salitang heinous crime para sa kanya ang korupsyon at sana lahat ng mga taong involved dito at under investigation ay sana magbitiw na sa puwesto o iwanan na ang posisyon bilang delikadeza.
Bukod dito ay inamin din niyang gusto niyang mapasama bilang miyembro ng Commission on Appointment o CA dahil forte raw niya ang mangilatis ng tao na natutunan niya noong nasa loob siya ng kulungan.
Samu’t saring reaksyon mula sa netizens ang nabasa namin na may mga pabor sa pahayag niya na dapat daw ay makulong at marami rin ang nagpayong dapat walang kaanak, kaibigan, inaanak, o kuneksyon sa kanya kapag nakagawa ng hindi maganda ay dapat may katumbas na parusa.
Pero siyempre may bashers din siya lalo’t baguhan siya at ganito na siya katigas magsalita, sana nga raw ay matupad niya ang lahat ng pangako niya noong kumakandidato siya.
Anyway, isa ang kilalang talent manager na si Manay Lolit Solis sa naniniwalang kayang gawin ito ni Robin na pinost niya sa kanyang Instagram ang larawan nito at ang caption ay “Kung babasahin mo lahat ng comment ni Robin Padilla sa governance Salve parang magiging malinis na sa corruption ang Pilipinas.
View this post on Instagram
“Bongga ito pag talagang nagawa ni Robin Padilla, talagang para siyang superman na nasa Senate.
“Siyempre dahil isang artista madalas na pick up ng media ang anuman sound bites niya, anuman comment niya.
“At siyempre nakabantay sa kanya dahil number 1 siya ng nakaraan election among the candidates sa Senado.
“Hindi mo rin naman alam baka nga lahat ng plano niya matupad niya, lahat ng gusto niya mabago, magawa niya.
“Sana nga tuloy tuloy iyon energy niya para sa bago niyang career, at makita ang mga bagay na inaasahan ng mga followers niya. Ito ang moment ni Robin Padilla para makita ng lahat ang trabaho niya at kakayahan.
“Sana nga, biglain niya lahat sa resulta ng trabaho niya. Sana nga maalis niya corruption, marami mas matulungan. Sana nga.”
Samantala, ginawaran ng award si sen Robin ng Most Iconic Showbiz Personality Of The Year at Most Empowered Actress and Vlogger Of The Year naman ang asawang si Mariel Rodriguez-Padilla mula sa Asia’s Golden Icons Award 2022.
Related Chika:
Robin handa nang makipagdebate sa Senado sa wikang Filipino: Hindi naman Amerikano ang mga kaharap ko para mag-English ako
Robin sawang-sawa na sa kakaendorso ng politiko kaya tumakbo; nawalan ng trabaho dahil kay Duterte
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.