Love life hugot ni Julie Anne San Jose: Okay lang naman maghintay, basta alam mong worth it ang paghihintay Bandera

Love life hugot ni Julie Anne San Jose: Okay lang naman maghintay, basta alam mong worth it ang paghihintay

Therese Arceo |June 29,2022
share this

Love life hugot ni Julie Anne San Jose: Okay lang naman maghintay, basta alam mong worth it ang paghihintay

Therese Arceo June 29, 2022 - 06:32 PM

Love life hugot ni Julie Anne San Jose: Okay lang naman maghintay, basta alam mong worth it ang paghihintay

GRABE ang kilig ng mga tagasubaybay mg Kapuso stars na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz matapos mapanood ang first vlog nila together.

Nitong June 24 nga nang ibahagi ng singer-actress ang kanyang vlog kung saan nangisda silang dalawa sa La Bamboo Fishing Cottage na matatagpuan sa Malabon City at may titulong “JulieVer’s Travels #1: Fishing”.

Unang parte pa lang ng video ay may mga pabirong hugot na si Julie Anne dahil supposedly at 5 A.M. raw siya susunduin ng aktor ngunit 5:52 A.M na ay wala pa rin ito.

“Akala ko mga 5:00 a.m. ako susunduin. Sadly may araw na, pagod na pagod na ‘kong maghintay,” saad ng singer-actress.

Ngunit binawi rin ito ni Julie Anne at sinabing, “Okay lang naman maghintay, basta alam mong worth it ang paghihintay.”

Ang sumunod na clip ay kasama na nga niya ang kanyang rumored boyfriend na si Rayver.

Pag-amin ni Julie Anne, ito ang kanyang unang pagkakataon na mangisda matapos ang mahabang panahon at ito rin ang forst vlog content niya at kasama pa niya si Rayver.

Habang nasa daan ay nag-uusap ang dalawa ukol sa activity na gagawin nila at kung makakahuli nga ba sila ng mga isda.

“I think magaling ka… huli mo na ako, e!” hirit ni Rayver.

Halata naman ang kilig ni Julie Anne sa video sa mga hindi inaasahang hirit sa kanya ng aktor.

Kitang-kita naman na talagang komportable na sila sa isa’t isa dahil may mga moments na makikitang hinahawakan ng dalaga ang kamay ng aktor at parang normal lang ang kanilang kulitan.

At kahit noong nangingisda na ang dalawa ay hindi pa rin nawawala ang closeness at kulitan nila.

“Alam mo nung nag-Siquijor tayo, cast (crush) na kita non,” pabirong saad ni Rayver kay Julie Anne.

Matapos ang pangingisda at kanilang pagkain ng mga nahuling isda ay nagkaroon sila ng maikling question and answer portion na mismong galing sa mga fans nilang dalawa.

Natanong si Julie Anne kung ano ang pinaka-sweet na ginawa ni Rayver para sa kanya.

“One of the sweetest things that Ray has ever done for me would be siguro nung lumapit siya sa parents ko when he asked permission,” sagot ng dalaga na tila ang panliligaw ni Rayver ang tinutukoy.

Nang hingiin naman ang advice nila ukol sa paghahanap ng “the one” diretso naman itong sinagot ng dalawa.

Ani Rayver, “Huwag n’yong hanapin kasi kusang darating yan in God’s perfect time.”

Pagsang-ayon naman ni Julie Anne, “Tama. Hindi mo kailangang hanapin yung pagmamahal na yun. Yung pagmamahal na yun kusang lalapit sa ‘yo. Minsan hindi mo inaasahan na darating siya… Hindi ko inaasahan pero dumating siya.”

Kita naman ang kilig, saya, at pagmamahal sa mga tinginan ng dalawa kaya naman mas lalong kikiligin for sure ang followers ng JulieVer.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JULIE ANNE SAN JOSE (@myjaps)

Ipinangako rin ni Rayver na magiging active na si Julie Anne sa kanyang YouTube channel at sinabi niyang bawat vlog nito ay kasama siya.

Matagal na ring umuugong ang balita na may espesyal na namamagitan sa kanilang dalawa pero kahit na ilang beses nang tinanong ang dalawa kung “in a relationship” na nga ba sila ay wala pa ring kumpirmasyon mula sa kanila.

Magkasama sina Rayver at Julie Anne sa Kapuso shows na “All Out Sundays” at “The Clash”.

Mukha namang ine-enjoy lang rin nila ang pagkakataon na magkasama sila hanggang sa maging handa na ang dalaga para mag-level up na ang kanilang relasyon.

Nangako naman si Rayver na handa siyang mag-antay sa dalaga kahit gaano pa ito katagal.

Related Chika:
Julie Anne sa posibilidad na maging sila ni Rayver: Masaya naman maging masaya, si Lord lang ang nakakaalam ng lahat

Julie Anne sa pagkabigo sa pag-ibig: Bakit? Ako ba yung nagkulang, saan ako nagkamali?

Rayver kay Julie Anne: Mahal kita…maghihintay ako kahit gaano katagal, nandito lang ako

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending